Kabanata 6: Veinte #SoonHoonSimbangGabiAU
Sumisilip na ang araw sa bintana ng kwarto ni Soonyoung. Ang Amihan ay malayang pumapasok at nagbibigay ng lamig, ang simoy na naglalarawan, nagpapahiwatig ng Kapaskuhan. Dumadapi sa mga pisngi at mata ang sinag ng araw, sapat upang unti-unting imulat ang mata.
Kahit ang bakas ng laway na tumulo ay tanaw, hindi maikakaila ang aliwalas ng ngiti ni Soonyoung. Ngunit naglaho ang mga sinag, at dumilim ang paligid. Napasimangot ang binata hanggang sa idilat nitong buo at makita.
“Napaginipan mo siya, ano?”
Bumangon na si Kwon Soonyoung at sumandal sa higaan. Binura na nya muna ang mga mutang namuo sa gilid ng mata.
“Maganda gising mo, Soonyoung.”
“Guilty as charged.” naghikab pa nga.
“Teka, paano ka nakapasok?”
“Diba nasakin yung extrang susi mo? Thought I'd check on you.”
“Sweet mo sakin, Won.”
“Hindi ako may idea nito. Yung dadating na may dala ng lugaw.”
“That would be me.” sumilip ni Chan at Seokmin na may bitbit ng kanilang almusal.
“Grabe, Lee Chan. Naiiyak ako.” nagdramang aywan si Kwon.
“Gago, antayin na natin si Seungkwan.”
Lumabas na ang magbestfriend upang maghain.
“Tagal na nating hindi nagkakasabay sa agahan, ah.” banggit ni Soonyoung na naupo na sa hapag-kainan.
“Ikaw lang naman lagi kulang, Kuya.”
The words hit him. Masyado nang inilubog ni Soonyoung ang kanyang sarili sa trabaho. Salamat sa kanyang employer na pinagbakasyon na sya ngayong Pasko. Ibinigay na ang bonus bago umalis ng Pilipinas para doon salubungin ang Bagong Taon.
“Sorry, guys.”
“Soonyoung, wag kang magsosorry samin. Naiintindihan namin.”
“Pero hindi talaga kumpleto pag wala ka.” pumasok na si Seungkwan.
“Saan ka naman nanggaling?”
Medyo naliligo sa pawis si Seungkwan.
“Napahaba yung Zumba.” paliwanag yan.
“O, tama na yan. Lalamig na to.” Tinawag na ni Wonwoo ang magkakapatid sa diwa. Oo, nakakasabik ang pakiramdam ng kapiling mo ang mga kaibigan. Sobrang namiss nila ito noong panahong laganap ang CoVID-19 sa buong daigdig, mga panahong pinaglayo-layo ang mga magkakaibigan, sa ngalan ng pagprotekta sa kapwa.
“Umamin na kayo. Bakit biglaan kayong nagpunta rito.”
“Ikaw na magkwento, Chan.”
“So eto na nga. Nandito kami para tulungan ka.”
“Tulungan?” nagtataka ang namamahay sa apartment.
“Si Seungcheol, kilala mo? Yung taga-Sakay Street?”
“Oo? Kilala ko sa pangalan.”
“Bestfriend nya si Jihoon. High school pa lang, ganon na sila sa campus.” Pinagdikit ni Chan ang middle at index finger nya.
“I mean, wala namang problema yun. Tuloy lang ang buhay.”
“One day, pinagtulungan siya ng mga seniors. Binully, ganon. Siyempre si bestfriend, galit. As in napanood ng marami kung paano binugbog ni Seungcheol yung mga seniors. Kaya ayun nasuspend si Seungcheol.” tinuloy ni Seokmin.
“Bakit nyo naman nakwento yun?” kumuha siya ng baboy gamit ang tinidor at kinain habang nakikinig.
“Pero alam mo ba, simula nung bumalik na si Seungcheol sa school, hindi na niya iniwan si Jihoon sa tabi. As in, bakod kung bakod.”
“Nung Prom, alam mo ba? Walang sinayaw si Seungcheol. Pero pag may kasayaw si Jihoon, medyo iniiwasan nya ng tingin yung nagsasayaw nyang kaibigan.”
“Hindi nyo pa rin sinagot yung tanong ko.” hindi na talaga maunawaan ni Soonyoung.
“Aamin ka na ba kay Jihoon?” tanong ni Wonwoo.
“Ano?” napabalikwas si Kwon.
“Kwon, alam namin kung gaano mo kagusto si Jihoon. Nanlalaki mata mo pag kasama mo sya. One plus one.” nilinaw na ni Wonwoo.
“Gusto ka naming tulungan, Soonyoung. Jihoon's a great guy.” added Seokmin.
“Pero gugustuhin ba nya si Soonyoung? Next year college graduate na sya, eh ikaw?”
Sumama ang tingin ng lahat kay Seungkwan. Binatukan ni Wonwoo ng magising.
“Pag tapos na kayo, pwede na kayong lumabas. Ako na magliligpit.”
Nawalan ng gana ang Kwon at nagkulong. Dinig ang bulungan, ang sisihan. Sinundan ng pagligpit ng pinagkainan. Bago umalis ang mga kaibigan, nagpaalam si Wonwoo on their behalf.
“Pagpasensyahan mo na si Seungkwan, Kwon. Susunduin ka namin, mamaya?”
“Sige.” ang sagot na ito ay nagdulot ng pagluwag ng paghinga kay Jeon Wonwoo. Ngunit lingid sa kaalaman ay mahigpit na yakap-yakap ni Soonyoung ang unan, pinipigilang humikbi.
Sariwa pa ang alaala. Ang sakit na dulot ng mga salita, mula sa maling tao.
“Isa kang inutil, Soonyoung.”
“Wala kang patutunguhan.”
Mga pariralang sinisigaw ng hangin, nakakarinding pakinggan. Sa gitna ng unos ng kanyang isip, may isang pumayapa. Isang chat sa Messenger na may kalakip na larawan.
“Nakita ko tong plushie na tiger sa may bintana ng Blue Magic. Wala lang naalala lang kita.”
– Lee Jihoon
Nanahimik ang mga demonyo sa anyo ng mga salita.
“Isang selfie nga dyan” sagot nya.
Seen.
Tatlong tuldok. Nagsesend.
Isang selfie mula kay Jihoon. Anggulong pataas ang tutok ng front camera.
“Hindi ako magpapapicture dyan, mukha akong tanga dito HAHAHAHAHA”
Ang mga dimples na lumilitaw sa pagngiti ni Jihoon, nagbalik sa kanya ng ngiting wagas. Naiwaksing muli ni Jihoon ang mga bagabag ni Soonyoung.
“Gaya ng napaginipan ko.”
“Ayos na ba to?”
Sa salamin nakaharap si Kwon Soonyoung, pinagmamasdan ang mga damit na suot nya. Pero ang pinakagusto nya sa kanyang get-up? Ang tiger print na Iconic socks.
He grinned at the memory of Jihoon sending that tiger plush. Well, he chuckles more at the selfie. The plot device Soonyoung never knew he needed.
Tumunog ang ringtone. Nagdadalawang-isip siyang sagutin. Pero hindi matiis kaya he slid to answer.
Seungkwan: Hello, kuya.
Soonyoung: Hi, Kwan.
Seungkwan: Sorry. Dun sa kanina.
Soonyoung: Wala yun.
Seungkwan: Nasaktan ka, so hindi siya 'wala lang.' That was an insensitive remark and I'm sorry kung walang preno.
Soonyoung: Thank you, Seungkwan. Sa pag-unawa sakin.
Seungkwan: Thank you rin. Asan ka na pala?
Soonyoung: Paalis pa lang ng bahay, bakit?
Seungkwan: Ah.. eh
May tunog ng pagkatok. He ended the call and opened the door to see who it was.
“Tara na.” anyaya ni Wonwoo, kasama si Chan.
“Aba, talagang sinundo nyo pa ko.”
“You'll see why.” teased Chan. Soonyoung locked the door to his apartment and walked together to the chapel. As the anticipated day draws near, the volume of people in attendance increases.
“Mukhang matatayo nanaman tayo nito.”
“Relax ka lang. Nakapuwesto na yung dalawa dun sa loob.”
Marahan silang pumasok sa loob. Naipagtabi ng pwesto gamit ang jacket na binaba sa upuan. Naupo na yung dalawa. Kasya naman sana sila at may extrang isa pa. Pero dalawa na yung nakaupo sa kabilang dulo.
“Soonyoung, kung gusto mo dito ka na lang.” pagpaparaya ni Wonwoo. Akmang tatayo na siya nang sabihin ni Soonyoung na “Sige okay lang, dito na lang ako sa bungad.”
Ayos lang naman ito sa kanya. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, magkakatabi sila. That doesn't make their friendship any less.
Suddenly, naulinigan ng taong nasa harapang silya.
“Uy, Soonyoung!”
“Ay, magandang gabi po, Tita.” nagmano si Kwon.
“Bunso, si Soonyoung oh.”
Lumapad ang ngiti nya at the sight of mother & son dynamics, remembering how Jihoon is irked sa tuwing tatawagin syang “bunso” in public.
“Hi, Soonyoung.”
“Hi, bunso.”
Nakakuyom na ang daliri nito, handa nang lumipad ang kamao nang tumunog na ang kuliling na tangan ng sakristan.
Simula na ang ikaanim na araw ng Misa de Gallo. Hindi naman magbabago ang daloy ng Misa. Tuloy lang ang banal na pakikinabang nang marealize ni Soonyoung. Sa kanyang pagtalikod ay ang mga kaibigang abot langit ang ngiti at pagsuporta. He mouthed a “thank you”.
Isang batang pari ang naatasan sa Baranggay San Antonio, kaya inaasahang may mauukol na bagay sa modernong panahon.
“Alam mo ang mga kabataan ngayon, ang hilig nilang humingi ng senyales. Masisisi ba natin sila, nagpakita nga kay Maria si Arkanghel Gabriel at nagpahayag, na magdadalang tao sya. Hindi ba pahiwatig din yun? Amen?”
“Amen.” an enthusiastic faithful responded.
“Ang totoo, palaging nandiyan ang Panginoon. Hindi ba pointless yung hihingi ka ng sign kung maraming sign ang nasa paligid mo? Para lang yan sa mga daan. Madaming karatulang 'Bawal Tumawid' pero tawid pa rin ng tawid. Amen?”
Malinaw ang sagot.
“Kung nandyan pala lahat ng sign, pero hindi mo pa rin makita, ayaw mo nang maghanap, anong gagawin mo? Isa lang naman ang solusyon dyan.” pagbitin ni Padre.
“Trust your gut. Diba may kanta pa nga, 'kung ano ang nasa puso mo, sundin mo'. Ikaw na lang ang hinihintay. Nasa Diyos ang awa?”
“Nasa tao ang gawa.” bulong ng ilan.
“Kaya yung senyales na hinahanap nyo, eto na yun. Kung gustong-gusto nyo nang umamin dun sa special someone nyo, eto na yun. If you want to start living your truth and come out to your loved ones, this is it. And what if hindi tanggapin nung taong pinagsabihan nyo. Then let it be. Masakit mareject. Masakit yung iinvalidate yung pagkatao nyo. Pero it's part of the process ng acceptance. Acceptance na hindi sya inilaan para sayo, na you chose to live a life that not everyone will understand. Hihilumin ng panahon yang sakit. Amen?”
“Amen!” isang buhay na reply ng madla.
“At kapag masakit pa rin yung ma-busted o overboard yung response ng mga mahal mo tungkol sa pagcome out mo, tawagan mo ko. Ipaghahalo kita ng Gin Bilog at Red Horse. Pag di pa nawala sakit mo dyan.”
Natawa ang lahat.
“Pero seryoso. If you're looking for a sign, this is it. Diyos na ang nagbibigay ng senyales sa lahat ng pwede mong hanapan. Ikaw na lang ang kulang. Amen.”
“Magsitayo po tayo.” wika ng lector.
Para kay Kwon Soonyoung, ang sermon ay nagmarka sa kanya. Nasa kanya na ang mga senyales. Mga kaibigan nya'y nakasuporta sa kanya. Walang magbabago kung walang sisimulan. Magpasahanggang sa pagpila sa Komunyon ay nasa isipan pa rin nya.
“Kwon.” kalabit nya.
“Ha?”
“Sabay na tayong maglakad pauwi?” ani Jihoon, na nasa likuran nya pala.
“Paano si Tita Lee?”
“May pa-party pa mga Lector pagtapos ng misa.”
“Sure thing.” siya na pala ang nasa harap ng pila.
“Katawan ni Kristo.”
“Amen.”
Sa pagsubo nya ng ostiya at pagbalik sa kinauupuan nya, bumulong si Seokmin sa kanya. “O diba nadagdagan na senyales mo?”
Hindi ito pinansin at tumuloy. Lumuhod kapagdaka. “Sana tama tong gagawin ko mamaya.” pagsamo niya sa Maykapal.
Nairaos ang ikaanim na gabi. Nauna na si Mama Lee, bitbit ang entry nya sa exchange gift.
“Una na kami.” nagpaalam na si Jihoon sa mga kaibigan. Si Soonyoung ay nasa may gilid ng pintuan, tanaw ang mga kaibigan na ubod ng supportive, inaantay ang kasabay sa paglakad.
“Bakit hindi ka sumabay sa mga kaibigan mo? Not that pinagtatabuyan kita or anything.”
“Iinom pa kasi sila, well, except kay Jun. Designated caretaker nila kami, or siya lang pag pinipilit akong uminom.”
“Umiinom ka?” natigilan sa paglakad si Jihoon.
“Soonyoung, di na tayo bata.”
“I mean, para sa isang masipag mag-aral gaya mo, I'm just surprised.”
“Jihoon, can I ask you something?”
“Yeah. Tayo lang naman nandito.” Umikot ang paningin nya.
“Bakit ka umaattend ng Simbang Gabi?”
“Alam mo naman yung paniniwala about sa Simbang Gabi, diba?”
“Oo. Ano pang hihilingin mo, parang okay naman lahat sa buhay mo.”
“Isa lang yan dati ngayon dalawa na.”
“Would you mind if I ask kung ano yun?”
“Yung una, sa totoo lang, wala na kasi natupad na sya.”
“Talaga?”
“Kaso baka di nya ko gusto.”
Soonyoung's heart sank. His hope is six feet below the ground. Pero he has to contain this feeling of being broken.
“Ano ka ba? Ano pa bang hahanapin sayo? May gandang lalaki ka naman.”
“Pero kulang sa taas.”
“So what? Bawing-bawi naman sa utak. Sobra-sobra yung, alam mo yun, yung substance? Yun.”
“Talaga?”
“Oo naman.”
“Soonyoung.”
“Do you want to know what's the second one?”
“Yeah, if that's okay with you.”
Nahaluan ata ng dugong Katipunero si Jihoon. Atapang atao, hindi atakbo. Jihoon took Soonyoung's hand, interlacing fingers. Napahinto silang parehas.
“I wish I have the courage to come out.”
“Jihoon, ano to?” namamalik-mata ata siya.
“You weren't really good at hiding your feelings, Kwon.”
The jig is up. Ano pang itatago nya? Kung hawak hawak na kamay nya AKA his dreams came true.
“You knew about it? Kailan pa?”
“It kinda grew to me nung unang nag-usap tayo, pero it was around the fourth day nung narealize ko.”
“Not that I'm imposing pero I thought you were...”
“Straight? Cis-het? I don't blame you since no one's asked me yet. Pero really, I wouldn't beat along the bush if someone special to me ask.”
“Except kay Tita Lee.”
“Well, yeah.”
“So, which letter of the alphabet you are in?”
“I am a pansexual. You?”
“Bi.”
Katahimikan.
“Wait, you assumed na may meaning yung pagsama ko sayo?”
“So wala? Teka lang putangina masusuka ako.” Hindi mapalagay si Jihoon. Soonyoung had to ground him, intervene by pressing a kiss on his cheek.
“Hindi nga talaga kita mauutakan.”
They proceeded with walking towards Jihoon's home, palms glued to one another; hands swinging like a pendulum.
“What now?” pagtapat nila sa gate.
“I guess, we're a thing now.”
Jihoon was about to tip his toe to reach Soonyoung's cheek, when Mama Lee called him. She sensed her son's arrival.
“Nak, gabi na.”
Jihoon planted his soles flat to the ground. An attempt prevented.
“I guess, this is good night.”
“Yeah, good night, Ji...”
Lee Jihoon can't miss the opportunity. Kaya gumanti muna ng isang halik bago pumasok.
“Jihoon!”
Tumalikod muna bago pumasok sa pintuan. Soonyoung flashed a finger heart. Jihoon responded with one as well, a shy one in fact, before closing the door.