Kabanata 10: Veinticuatro #SoonHoonSimbangGabiAU
Para sa pinakahuling araw ng anticipation sa araw ng Pasko dito sa parokya, sabay nilang sasalubungin ito. Dahil mamamahinga muna si Tita Lee sa pagluluto ng pang Noche Buena nilang dalawa, malamang sa Misa na lang siya hahabol.
Sumulpot na lang si Mingyu sa mga kaibigan niyang sabay tumungo ng simbahan.
“Manonood kayo ng Panunuluyan?” tanong niya papasok ng patio ng simbahan. May gayak ngayon ang paligid. Tatlong kubol.
“May choice ba ko Mingyu? Kailangan daw ni Minghao ng on the scene.”
“Minghao? Xu Minghao?”
“Oo, kilala mo ba?” usisa ni Jihoon.
“Junhui, bakit namumula?” pinunto ni Seungcheol. All eyes on Jun.
“Alam mo ba, kwento nya samin nung busy ka sa acads, lagi nyang iniistalk yung IG profile ni Minghao.” sumabat na si Mingyu.
“Ano yung sabi mo nung magdescribe? Abante?”
“Avant-garde, Sol. Mga uncultured.”
“Oo, kagrupo ko sya dun sa paper na sinasabi ko. Galing siya samin nung isang araw.” sinakyan na ni Jihoon ang birong nais totohanin ni Junhui.
“Ayun pala, the search is over. Balitaan mo kami pag dadaan ulit sila sa inyo ha?”
“Limang minuto at magsisimula na ang Panunuluyan at susundan ng Misa sa Hatinggabi.” anunsyong dinig sa buong kapaligiran ng simbahan.
Maraming tao ang manonood ng Panunuluyan, na siyang binuhay ng Komisyon sa Kabataan matapos ang pandemya. Kaya ganoon na lang ang tuwa ng mga nakakatanda.
Pero si Jihoon ang lugi, sa rasong alam nating lahat.
“Siguro naman.” nagsalita si Jihoon, kaya inalalayan na siya ng mga nagtataasan niyang kaibigan na makatuntong sa sementadong bloke na kinatitirikan ng poste ng ilaw.
Umawit na ang koro. Pinasimulan na ang paawit na salaysay. Kung papano pinag-utos ng bunying Cesar ang census sa lugar na pinagmulan. Dahil buhat si Jose sa Bethlehem ay nilakbay nila ito mula Nazareth. Ngunit wala silang alam na matutuluyan dahil hapong hapo na si Maria na nasa kabuwanan ng pagbubuntis.
Lumabas na ang pangunahing tauhan. Si Maria at si Jose.
Dinig ang bulungan na nagback-out ang dapat na gaganap kay Jose, cute daw yung taga kabilang kanto na pumalit, aniya.
Doon na nga. Hindi maitatago ng luntian na kasuotan at dilaw na balabal, mga kulay na nauukol kay San Jose, ang pagkakakilanlan. Si Kwon Soonyoung.
Lumakad na ang dalawa. Paika-ika ang aktres dahil sa dinadala na sanggol ng kanyang birheng karakter. Sa himig at titik ni Reberendo Padre Eduardo Hontiveros, gitara at piano ang mga sumasabay sa koro.
Hindi na nya namalayan na gumaan ang kamay ni Jihoon na may hawak ng cellphone at lumalapad ang ngiti niya. Mistulang mga tala sa gabi ng kapanganakan ni Jesus ang mga mata nya.
Itinigil na ang pagvideo at hinayaan na lang ang sarili na panoorin.
Unang maybahay at siya ang unang umawit. Dito nya lamang narinig ang pagkanta ni Soonyoung. Hindi nga pangkoro, pero disente pakinggan at para sa puso ni Jihoon, kahali-halina talaga.
Di nya ring maiwasang madala ng emosyon ng ginagampanan ni Soonyoung, nang tanggihan sila ng maybahay dahil puno na ang kanilang tahanan.
Hindi niya na rin namalayan ang kamay ng kanyang mga kaibigang nakahawak sa kanyang sakong. Sobrang tutok kasi si Jihoon sa pagtatanghal ng kanyang mahal, para bang naplantsa na ang gusot, ang hindi pagkakaunawaan.
Ganun na din lamang ang pagkapikon sa mukha nya nang tanggihan sila ng sumunod na mga maybahay, dahil sa may panauhin sa pangalawa at inalimura sila sa pangatlo.
Bibigyan na talaga ni Jihoon ng award si Soonyoung dahil talagang pinagbuti, isinapuso ang tema, ang hiwatig ng Panunuluyan.
Dumating na sila sa huling bahagi, nang ialok ng ikaapat ang sabsaban at marahang tinanggap ito nina Maria at Jose. Pinatay na ang ilaw. Pangwakas na ang inaawit at bumaba na si Jihoon.
“Tara na mawawalan tayo ng pwesto!” aya niya at pagtalima naman nila.
Hindi na nila kailangang tanungin kung anong sumapi sa kanya. Pag-irog.
Ngunit hindi lang siya ang nakaisip nito. Kaya agad na silang pumasok bago pa man ianunsyo ang pagsisimula ng Misa sa Hatinggabi. Doon sila pumwesto mga walong hanay mula sa harapan. At si Jihoon? Doon sa dulong malapit sa sentrong pasilyo.
Hindi nagtagal ay napuno na ang simbahan. Mula sa mga upuan, sa gilid na pagitan, maging sa labas. Palibhasa gagawing rason ang hindi na pagdalo sa misa kinabukasan.
Pumasok na ang mga ceriales, mga lector & commentator, mga lingkod ng Panginoon at mga pari. Nagwika na ang pari. Mga kaganapan sa kasaysayan. Sa arko ni Noah, sa Paghahari ni David, sa pag-upo ni Cesar bilang Emperador, among others. And finally. Ang pagbukas ng pintuan.
La Sagrada Familia. Ang Banal na Mag-anak. Buhat-buhat ng binibini ang sanggol. Sila'y lumakad sa saliw ng “Awitan ng mga Anghel” ang Tagalog na salin ng “Hark The Herald Angel Sing”.
Sinundan ni Jihoon ng tingin ang pagpasok ni Kwon Soonyoung. The latter got a glimpse of the former, making the former beam, before gazing back to the altar. Bilang mga pangunahing tauhan, sila'y pinaupo sa unang hanay matapos ilagay ang Banal na Sanggol sa sabsaban sa gitna.
The Midnight Mass proceeded with the jovial air. Whether people lean more into the religious context or the commercial context, the atmosphere uplifts everyone's dopamine stockpile.
The ecstasy is too immense to hide behind Lee Jihoon's persona. Nakikiisa talaga sa misa pero dumadating ang mga pagkakataon na ang leeg niya'y humahaba, hinahanap ang silhouette ni Kwon Soonyoung.
Sa pagpila para sa Banal na Komunyon, ganun na lamang ang paghahadali sa gitnang pila. Sa paglapit sa harap, wala si Soonyoung.
“Katawan ni Kristo.” wika ng pari.
Nabalik ang atensyon sa kamay na nakalahad, kaliwa sa itaas ng kanan. Ang ostiya ay nasa palad na. “Amen.” sagot nya.
Sa pagtalikod niya at pagbalik sa kanilang pwesto, pinipigilan nyang ngumiwi. Lumuhod siya at nanalangin. Ang siyam na gabing pagninilay, isama mo itong gabi, para makahiling.
“Kung siya talaga para sakin, ibigay nyo na po.”
Natapos ang misa.
O magsaya at magdiwang, pagkat sumilang na.
Pero hindi pa magawang magsaya ni Jihoon. Hinahanap nya ang lalaking bumihag sa kanya sa loob ng isang linggo.
Lumabas na si Lee Jihoon. Nagkukumpol na ang marami sa harapan upang makahalik sa nagkatawang-taong Anak ng Diyos.
Isang tao lang ang hanap-hanap. Susukuan na sya ng kanyang loob kaya naupo na lang ito sa tabi ng simbahan, head held low because of disappointment.
“Jihoon.”
Ang presensya ng isang pares ng sapatos sa kanyang harapan, kaya tumingala si Jihoon upang tingnan.
“Soonyoung.” Napatayo sya.
Tila hawak ng kanilang mga puso ang kanilang mga dila, hindi mahanap ang mga salitang akma.
“Galing mong kumanta kanina ah?”
“Ah yun ba? Sinubukan ko lang naman.”
Isang ngisi bago mangusap muli.
“Sorry.” sabay nilang banggit, ang pagkakasabay ay nagpangisi sa kanila.
“Ikaw muna, Jihoon.”
“Sorry if I forced things on you. Sobrang insensitive nung ginawa ko and I won't try to justify that. I'm really sorry, Soonyoung.”
“Jihoon, nag-apply ako.”
“Ano?”
“Sorry for lashing out on you. I didn't mean to. It's... it's my past. I've been keeping it from you kasi ayokong mag-alala ka. Do you...”
“You don't have to tell me if you're not okay with it.”
“No, I want to.” Naupo na si Soonyoung at sinimulang magkwento. Naupo na rin si Jihoon at nakinig mabuti.
“Sorry to hear that. Walang kwenta talaga si Mam Marquez.”
Soonyoung leaned onto Jihoon's shoulder. “Don't pity me, alright. I've had enough sa buong buhay ko. I'm trying to get my shit together ngayon.”
Hulog ng langit ang simoy ng hanging malamig na bumabalot sa katahimikan. Sa kapayapaan ng sandaling ito.
“You know what, Jihoon?” bumangon sa pagkakasandig si Soonyoung.
“Ano nanaman yun Kwon...”
Pinagtama na niya ang mga labi nila.
“Kasingputi mo si Mama Mary.”
“Gago, bawas ligtas points ka na nyan.” napatawa nya ang kasama.
“Pero seryoso. Thank you. For helping me heal. Hindi madali pero alam kong nakasuporta ka, kayo ng mga kaibigan ko.”
“Thank you rin, Soonyoung.” Hinawakan nya ang pisngi ng kasama at iniharap sa isang gilid. “Kasi you made it easier for her to understand.”
Nanlaki ang mata ng Kwon Soonyoung. Naroroon, nakatindig at abot-langit ang ngiti. Si Mama Lee.
“Tita! Kanina pa ba kayo dyan?”
“Hindi naman, iho. Ano, magmomomol pa kayo dyan? Lalamig yung sinigang sa miso.”
Tumayo na si Jihoon at tumabi sa kanyang Mama.
“Tita Lee?! Nakakahiya ang dami pong tao!”
“Sana naisip mo yan nung hinalikan mo yung bunso ko.” tinulak ng bahagya ni Jihoon ang balikat ni Mama Lee.
“So... sorry po, Tita.”
“Tatanggapin ko lang yang apology mo kung samin ka magnonoche buena.”
Lumapit si Soonyoung kay Tita Lee at kumapit sa braso, pinagitnaan ng dalawang binata ang kanilang ilaw.
“Makakatanggi ba ko, nyan Tita?”
Sa kanilang pag-uwi ay mahigpit pa rin ang kapit ni Soonyoung kay Tita Lee na nagmumukhang anak niyang tunay ang binata.
Tumulong na maghain ang kanilang bisita. Payak lamang ang Noche Buena pero espesyal ito para sa kanilang tatlo. Maging ang Pasko isang taon matapos ang Pandemya ay natatangi rin para kina Jihoon at Soonyoung.
Pasko ng Paglaya.
Paniguradong nananabik si Soonyoung sa mga lutong ulam ni Tita Lee. Ang mainit na sabaw at ang mapintog na rosas ng salmon. Ang liempo na inihaw at hiniwang pahaba, samahan ng toyo't kalamansi at pinigang siling labuyo.
Pamilya na nga ang turing niya sa kanya.
“Dito ka na matulog sa kwarto ni Jihoon.” sabay kindat habang hinahawan ang pinagkainan.
“Tita naman!” hindi pa rin makapaniwala sa mga banat ng nanay ni Jihoon.
“Anong sinabi ko sayo, iho?”
“Ay. Mama Lee, naman!” pinabago na sapagkat ina-inahan naman ni Soonyoung ang nanay ng kanyang kasintahan, na natatawa sa inaasal nya.
“Sige na, pumanik ka na sa kwarto. Inaantay ka na nun.”
“Sige po, salamat po!”
Pumanik na si Soonyoung at nilakad ang pasilyo hanggang dulo. Kumatok siya ng tatlo bago paikutin ang doorknob at itulak ang pinto upang idungaw ang kanyang ulo.
“Uy, Soonyoung, pasok!” aya ni Jihoon na katatapos lang ipagpag ang kumot.
Naupo si Soonyoung sa kama.
“Ngayon ka lang ba nagligpit ng kwarto?”
“Buti nga di mo nakita yung bakat ng luha dyan sa sapin.”
Matapos ilagay ang nasabing punda sa tumpok ng labahin, lumapit sya sa kanyang office table at kinuha. Si Kwon Soonyoung ay sinusubukang silipin ang tinatago ni Jihoon.
Tumayo si Jihoon sa harap.
“Merry Christmas.”
Iniangat ni Jihoon ang kanyang braso upang ilaylay ang mistletoe.
“So anong gusto mong sabihin?”
“Pwede bang pumangalawa ng dessert, Kwon?”
Inabot ni Kwon Soonyoung ang tangan ni Jihoon at hinulog sa lapag.
Soonyoung took Lee Jihoon by the waist and pulled him closer. Jihoon cupped his cheeks to close the distance their lips had seconds ago, slotting his tongue in between. Ang init ng kanilang kalamnan ay hinayaan nilang maghari. Umaatras na si Soonyoung sa direksyon ng headboard. Binaba ni Jihoon ang katawan nya upang gapangin, sundan ang tintunugo ni Soonyoung.
Sa pagtunog ng pagsandal sa likod ni Kwon, natigilan silang pareho. Their lips curled upward. Jihoon rubbed his nose against Soonyoung's.
Inangat na ni Jihoon ang sarili nya.
“Usod.”
“Ha?”
“Umusod ka na lang.”
At siya ngang ginawa. Naupo si Jihoon sa tabi nya, mga paa nakalatag sa ilalim ng kumot. Tinapik nya ang kanyang hita, imbitasyon upang humiga.
“Marunong ka mag-Cebuano?” tanong ni Jihoon.
Kinuha ni Soonyoung ang kanyang kamay at hinalikan ito. Malambot at may lambing.
“Gihigugma ti ka, Jihoon.”
Yumuko si Jihoon at hinalikan ang noo nya. Nang bumangon, ay inayos ng kanyang mga daliri ang mga buhok sa noo nya.
“Gihigugma ko ikaw, Soonyoung.”
Makalangit ang pagngiti ni Soonyoung bago ibaon ang mukha sa tiyan ni Jihoon. Ang dalawang braso ay ipinaikot, umilalim sa pingit sa pagitan ng likod ni Jihoon at ng kama. Ang kamay ni Jihoon ay hinahaplos ang buhok ni Soonyoung.
Walang anu-ano ay umawit si Jihoon.
“Ang gabi'y payapa, lahat ay tahimik.”
May tunog pang-ugoy na mababakas sa tinig ni Jihoon.
“Pati mga tala sa bughaw na langit.”
Ayon sa mga kwento, sa kailaliman ng gabi habang tinatanaw ang Maynilang dinurog ng ikalawang Giyera Mundial, naisulat ng Pambansang Alagad ng Sining Felipe de Leon ang “Payapang Daigidig.”
“Kay hinhin ng hangin, waring umiibig Sa kapayapaan ng buong daigidig”
Oo, sa pagsapit ng Kapaskuhan, ang buong mundo ay humihinto. Upang magdiwang. Upang magkatipon. Isang araw para sa karamihan upang limutin ang mga responsibilidad, ipahinga ang puso't isip mula sa pasanin ng buhay. Tunay na umuusbong ang kapayapaang ito. At batid ito ng mga puso nina Jihoon at Soonyoung.
“Payapang panahon ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos sa sangkatauhan.”
Tinignan ni Jihoon ng isa pang pagkakataon ang kanyang irog. Simula ngayon, pangako nya sa kanyang sarili, na bigyan na nya ang sarili nya ng pagkakataong lumigaya. Ang nasabing ligaya ay natagpuan nya sa lalaking mahimbing na ang pagkakatulog.
Pinikit na nya ang kanyang mata at hinayaan na nyang magpahinga ang kanyang katawang nagdaan mula kalungkutan papunta sa katuwaan.
“Ang gabi'y payapa, lahat ay tahimik Pati mga tala sa bughaw na langit.”
At lilipas ang bisperas ng Pasko sa piling ni Soonyoung. Nabigyang katuparan na ang mga hiling at samo.