Binaba na ni Seungcheol ang kanyang cellphone at hinayaang magulantang ang kanyang mga kaibigan sa kanilang nalaman. Si Jeonghan ay nakasandal sa headboard ng kama, scrolling through his social media feed. Nasa malayong mesa niya iniwan ang cellphone niya habang nasa bedside ang kay Jeonghan, gamit-gamit habang nakasaksak.

“Hoy, Jeonghan. Tigilan mo na yan ginagamit yung cellphone habang naka-charge?” pinagalitan ang ka-edad.

“Eto na po, 'tay.” at sumunod nga siya.

Tinusok ni Seungcheol ang tagiliran ng baywang ni Jeonghan habang pinoposisyon ang sarili sa higaan nila. Isang double bed. “Magkasing-tanda lang tayo, hoy. Parehas lang sumasakit likod natin nang walang dahilan.”

“Tama!”

Tinawanan nilang dalawa ang pag-uusap, hanggang sa makapwesto na si Seungcheol at natahimik sila.

“Seungcheol?”

“Yes, honey?”

“Can I ask something?”

“Wag lang Calculus, olats ako d'yan.”

Ngumisi si Jeonghan bago nagpatuloy. “Hindi yan.”

“So anong gusto mong malaman sakin?”

“Bakit pumayag ka na sumama dito?”

Napaisip si Seungcheol.

“Hmmm.”

“I guess I want the same thing, a breather. Why?”

“Wala, it just seems like hindi ikaw yung tipong sumasama sa strangers.”

“Jeonghan, you're not a stranger to me.”

“Cholo, ganyan ka ba magpakilig?”

“Natural lang sakin yung linyahang ganyan!”

“So natural ka palang malandi.”

“I guess you could say that.” banggit ni Seungcheol na sinundan ng isang grin na confident.

“Tangina, Seungcheol! Bakit wala ka pang jowa sa lantod mong yan?”

Natahimik siya.

Handa na ba siyang buksan ito sa kanya?

“Wala pa akong jowa at kasalanan ko rin naman.”

“Care to share?”

Pinag-isipang mabuti ang sagot.

“Pwede pass?”

“Okay, Cholo.”

“I want to enjoy my life din naman, the past years have been tough diba?”

Oo nga pala, they are still recovering from the pandemic and immoral & ineffective governance. It was a tough time for Seungcheol and Jeonghan individually and as citizens of this country.

“Well yeah, I can't agree more.”

“Nasaan ka pala nung mga panahong iyon? Pretty sure nasa lansangan ka no?”

“Oo, freshie pa lang ako non at baguhan sa mga educational discussion ganon pero somehow it just felt right to stand up for this nation diba?”

“Ako kasi, di naman ako tumuloy. I realized na yung typical na ruta ng buhay ay di para sakin, so nagbusiness na lang ako at sa awa ng Diyos ay nakakaraos naman. Nung panahong yon, sumubok muna ko sa Jollibee noon kahit yeah contractual and all. May order mula sa taas na tatanggalan ng trabaho yung sasama pero mabait yung manager namin.”

“Sinabi niya samin 'Kinabukasan n'yo yan, kaya karapatan n'yong ipaglaban yan. Kung di ngayon, kailan pa' kaya sumama na ko sa EDSA 4.”

Jeonghan can't help but smile.

“Jeonghan?”

“Hm?”

“Deserve ko naman sumaya diba?” sambit niya na nasundan ng paghikab.

“Yes, Cholo. Everyone deserves to be happy in this sad sad world. Tulog ka na, Cholo. It's been a long day.”

At umayos na ng higa si Seungcheol at tumayo si Jeonghan sa pagkakaupo sa kama upang ayusin ang pagkakakumot ng kapiling.

“Jeonghan, di na ko bata.”

“I know. It also felt right to make you feel cherished or something like that.”

He smiles at the thought. “Hindi ka pa ba matutulog? Haba ng drive natin kanina.”

Jeonghan planted his hand unto Seungcheol's hair and gently ran his fingers on the strands and waves.

“Di pa ko inaantok. Sige na. Pahinga ka na. Holiday season ngayon pero mukhang galing ka ng Biyernes Santo.”

With the joke, he curled his lips into a soft smile before closing his eyes. Seungcheol barely noticed that Jeonghan continued with the touches, this time threading the lines and curves that define the grace in Choi Seungcheol's face, humming along to Sound of Music's Something Good.