“Halika na kasi! Wala namang mawawala?” pagyayaya ni Seungcheol kay Jeonghan.
“Maaga pa check-out natin, Cholo.”
“Sige na, please? Wag na tayong mag-hard drinks tonight. Okay na ko sa cocktail.”
“Pero…”
“Hey, diba isang taon kang puro kayod sa university? Kaya deserve mo rin ang kaunting alak.”
Makakatiis ba si Jeonghan nang inilabas na ni Seungcheol ang angking ka-cute-an?
“Sige ilang shots lang tayo.”
Pagpasok nila ng bar, maraming tao. Umorder na sila ng kanilang cocktails. Just to get some kick and a hint of heat on a cold night in December.
“Cheers.”
Tulog na sa kwarto ang mga anak ng ilan dito. Unadulterated late-Christmas/early-New Year fun for adults ang motif ng bar. Napansin nila na nahinto ang di matawarang TikTok Dance Medley for the Boomers having their midlife crisis. Nagsimula nang hawanin ang dance floor at nilatagan ng pages ng broadsheet.
Gets na ni Jeonghan bakit ganon na lang ang pilit ng kasama after magbabad ng matindi with wakeboarding among other water sports.
“Sisimulan na natin ang newspaper game! Ang matitirang matibay, may 40% discount sa bill nila! Tama ba, boss?” tinignan ang general manager who now dons a casual look like the rest of the hotel guests.
He raised a thumbs up that brought the screams of the crowd to a roar. Any discount is a win, with all the pesky service charges in the hotel.
“Oh ayan, may go signal na ng boss-man natin, Kailangan ko ng pitong pares.”
Unti-unti nang nagpiprisinta ang ilan habang ang iba'y pinagtutulakang sumali for the fun of it. Walang anu-ano'y hinatak na ni Seungcheol ang kasama.
“Can I count on you, honey?”
“Cholo, have I told you I don't accept defeat?”
Seungcheol with brawns and Jeonghan with witty mischief, united by a competitive spirit.
“Okay game, pa-play na ng music DJ! Sayaw!”
The DJ resumed the playlist, this time more relatable to the generation. Everyone was still in dire need of oiling up their joints and unshackling the youth left with their bodies.
First round. The page that is double the width ng standard broadsheet. Needless to say, everyone got to pass.
Second round. The standard size of a broadsheet page. Ligtas ang lahat.
Seungcheol and Jeonghan are pretty chill about this. Third round. Half the page. Like the rest of the participants, many forced their feet to fit the folded newspaper. One was eliminated dahil nahuling tinukod ang daliri para sa balanse.
Fourth round. One fourth the page, isang paa na lang ang kasya.
“Kaya pa, Jeonghan?”
“Apakan ko paa mo, walang malisya.”
Isang tango na walang angal. Desididong gawin ang lahat makaawas lang sa bill.
And so they did. Jeonghan stepped on Seungcheol's feet. Luckily, magaan lang si Jeonghan. He can manage.
Another one was out for the same reason. Mahirap nang panatalihin ang balanse kapag ang edad ay higit na sa trenta'y singko.
Sixth round. Despite their will to be the last pair standing, they seem to enjoy themselves with their movements. Hindi na katakataka na ang galawan nila ay bagay sa lugar, given na sila'y higit kalahati na ng singkwenta. Isang kawalo na lang ng papel.
“Cholo, Pasanin mo ko?”
“Game.”
Natapos ang tugtog. Nagbilang ang emcee hanggang five. Tumalon na si Jeonghan sa likod ni Seungcheol. May dalawa nanamang hindi tumagal sa bigat ng kasama.
One-on-one round. Halos kasinglaki na lang ng lengthwise ang natira.
“Pano na tayo, kaya mo ba akong pasanin pa? Anliit na nyan.”
“Di ako sure, Jeonghan.”
“Panong di ka sure?” tanong niya habang sinasabayan ng galaw ang pag-aalala.
Sa gitna ng pagtatalo ay tumigil ang musika.
“Cholo, ano na..”
Dinakot ng braso ni Seungcheol ang mga tuhod ni Jeonghan at pinagpatong ang mga paa sa tinuping dyaryo. Ang isang braso ay kumapit sa kili-kili niya. Nakuha agad ni Jeonghan at agad niyapos ang leeg ni Seungcheol. Bagong kasal kumbaga.
One!
Ang tingin ay nakakandado sa isa't isa.
Two!
Unti-unting napawi ang pag-aalala ni Jeonghan.
Three!
Ngumiti si Cholo sa kanya, waring winiwika na siya na nga ang bahala.
Four!
Sinagot ng buhat ang ngiti ng isa pang ngiti.
Five!
Nakulong na sila sa sarili nilang mundo habang ang paligid nila'y puro hiyawan. Napababa ang kasama ng huling kalaban mula sa pagkakapasan. Ang hiyawan ng pagdiriwang ay naging kilig.
“At may nanalo na tayo!”
Binaba na ni Seungcheol si Jeonghan at lumapit ang emcee upang ma-interview ang dalawa.
“Pangalan nyo pala at room.”
“Yoon Jeonghan.”
“Choi Seungcheol, Room 526.”
“Nahiya ang BrightWin at OhmNanon sa inyo ah. Kung pwede naming tanungin, kayo na ba?”
Nangisi ang dalawa at humiyaw sa kilig ang madla.
“Kasi yung mga titigan nyo pinapamukha saking sa inggit pala ako matetegi at hindi sa COVID.”
Nangiti sila.
“Ang tanong ng bayan, magjowa ba kayo?”
“Friends. We're just friends.” sagot ni Jeonghan.
“Friends pa lang daw sila mga kababayan oh. Ang tanong, may pag-asa ba sa isa't isa?”
Nagtinginan sila Seungcheol at Jeonghan.
“If okay sa kanya…” simula ni Seungcheol.
”... I don't see why not.” ending the statement with a sneaky smile.
“Let's hear it for our first game winner, Jeonghan and Seungcheol!”
Mula dito ay tinulungan na sila ng staff papunta sa gilid upang itala ang mga detalye sa discount na nakamit nila.