Nasa lobby na si Jeonghan nang salubungin niya si Seungcheol na nag-aantay sa lounge.

“Ikaw lang nagcecelebrate ng New Year sa unit mo?”

“Yeah, di pwedeng umuwi kasi ayun, academics and all.”

“I bought us drinks?” He raised the plastic bag.

“Take-outs lang meron ako, okay lang?”

“Pwede na yan.”

“Sige, tara na.” Anyaya ni Jeonghan sa kanya papunta sa elevator. It was a quiet ride up to say the least. Masyado pang maaga para sa mga katanungan naglalagablab.

Nang marating na nila ang floor ng unit niya, sinundan niya si Jeonghan at pinagbuksan siya ng pinto.

Minimalist unit. Staple furniture and appliances. Not bad.

“For someone na tinatamad, your house looks surprisingly clean.”

“And you picked that up from me in just a few days?”

“Yup.”

“Hey, naglilinis naman ako when the need arises. Minsan di ko lang alam kung kailan, though.”

“Same here.”

Tumungo na si Seungcheol sa counter upang ihanda ang inumin nila while pinuntahan ang fridge at cupboards in search of pulutan. “Help yourself to anything.”, ika nga ng nagpatuloy sa kanya.

Sinunod naman ito ni Cholo. Tinimpla muna ang isang pack ng Tang Pomelo sa tubig bago ihalo sa pitsel. Matapos nito, isinalin ang bote ng pink gin sa pitsel, hinalo, at sinamahan ng yelo. Binitbit na niya ang pitsel papunta sa sala saka binalikan ang dalawang baso.

Si Jeonghan na ang bahala sa kanilang kukutin, ilang pirasong tsitsirya, ilang chicken wings, at isang pack ng chicharon.

Naupo na silang dalawa sa lapag at sinimulan ang sesyon nila. Lahat na ng bagay napag-usapan nila, pulitika, lipunan, relihiyon, pop culture at showbiz. At tila rumaragasa ang mga kaisipang nilalahad nila sa isa't isa tungkol sa mga paksang ito.

“Ako naman magtatanong, Cholo, game?” hamon ni Jeonghan ngayong nasa ¼ ng pitsel na lang ang laman.

“Game.”

Sinalinan ni Jeonghan ang kanilang mga baso, at tinikman ang timpla ni Seungcheol.

“Why all of a sudden? Nandyan sila Jihoon saka yung friends mo.”

Si Jihoon. Jihoon nanaman.

“Gusto ko lang tumakas.”

“Is the thing you can't tell me back at the resort related to Jihoon?”

Fuck. The million dollar question.

No choice. Tinungga niya ang laman ng baso at nagsimulang magkwento.

“I had feelings for him.”

“Since when?”

“Since high school.”

“Dang.”

“I know. But I was a day late when I told him. Fuck my chances right?”

“Yeah.” Jeonghan finished his glass as well.

“I really, really like to thank you, honey. For taking my mind off of my feelings.” ani Seungcheol habang binubuksan ang chicharon at kumuha ng piraso.

“Ako rin, Cholo. Thank you for coming with me to the resort. I would not have enjoyed it kung wala ka don. I want to tell you that...”

Biglang may umamoy.

“Yung gravy!” bulalas ni Seungcheol na napatayo sila pabalik sa kusina.

Inangat ni Jeonghan ang kawali pero walang pot holder, kaya naibaba ito sa lababo na nasa tabi ng kalan.

“Ayos ka lang ba?” kumusta ni Cholo sa kanya.

“Oo, di naman gaanong nagtagal sa kamay ko.”

Kinuha ni Seungcheol ang kamay at hinipan ito habang tinitignan. Hindi maiwasang titigan ni Jeonghan ang maamong mukha ni Seungcheol hanggang sa di niya inaasahan.

Idinampi ni Seungcheol ang kanyang labi sa dulo ng daliri ni Jeonghan. He's somewhat outside of the sober zone at this moment.

“Honey, I've been really wanting to kiss you so... can I-”

He cuts him off with lips pressed together.