“Saan mo naman ako dadalhin?” wari ni Doyoung.
“Mangangaroling tayo kasama ng mga bata.”
“Anlaki-laki na natin huy, nakakahiya.”
“So? May mga matatanda pa ring namamasko dahil sa pangangailangan nila. Walang pinipiling edad to. Lakas lang ng loob.”
Nagdadalawang-isip pa si Doyoung.
“Eh parang wala ka naman nun eh, knowing nung operation...”
“Gago, tara na.” Tumindig na sa kinauupuan at dali-daling sinuot ang tsinelas. “Hahabulin pa natin yung Simbang Gabi.”
Sumunod naman na si Jaehyun. Sabay na silang lumabas ng bahay at kinita ang mga batang sasamahan nila. Si Jaehyun ang kumakausap sa mga bata at ang tanging humuhunta kay Doyoung. Sa bawat bahay na kanilang hintuan para manapat, laking gulat ng mga makakita at ng ilang sisigaw ng “Patawad!”. Walang kasawa-sawang “Pasko na Naman” at “Sa May Bahay”.
“Doyoung, ikaw na ba yan?”
“Ah, opo.” siya namang nagmano.
Bumunot ang matandang lalaki sa kanyang bulsa at patagong inabot ang lukot na isandaang piso.
“Eto, pangload mo.”
“Ay, salamat po, tito.” pagngiti nya bilang pasalamat. Sinabayan naman ng mga bata ng “Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you!”
Tumutunog na ang kalembang sa paglayo nila sa bahay ng tito ni Doyoung. Oras na para hatiin ang napamaskuhan.
Huminto sila at binilang ni Jaehyun ang naipon nila. Sa kanyang pagkagitla ay isinama ni Doyoung ang bigay na lilang pera ng tito nya.
” Doy, huy. Bigay sayo yan ng tito mo. Para talaga yan sayo.”
“Bahagi na rin ng gawi siguro natin tuwing Pasko yung magbigay sa kapus-palad. Saka wala nang mararating yung limang pisong mapaghahatian nila.”
“Pero...”
“Minsan lang to sa isang taon diba? Saka I had fun living like we're still children.”
“Sigurado ka?” isa pang paglinaw ni Jeong.
“Bilisan mo na. Mawawalan na tayo ng pwesto nyan.”
At nagkasundo na silang isama sa hahatiin ang 100 pesos ni Doyoung bilang munting regalo sa mga bata. Ang limang piso ay natriple at nagkanya-kanya na ang mga bata.
Sabay na sina Kim Doyoung at Jeong Jaehyun na pumunta ng simbahang sinauna at sariwa. Oo, malayo na narating ng kanilang mga pinag-uusapan. Maging ang mga pagkakaiba ng kabataan ngayon sa kabataan nilang dalawa.
“Bakit ka nga pala sumasama sa mga bata tuwing mananapat?”
Ito ang tanong na sumagi kay Doyoung. Matapos ang mga acts of kindness ni Jaehyun para sa kapwa niya na nasaksihan ng dalawa nyang mata.
“Hindi ko rin alam. Masaya lang talaga ako kapag may bata pa akong nakikitang nagkakaroling.”
“Ang unfair mo, Jae. Nung edad nila tayo, wala namang tumutulong sa atin.”
“Kasi maraming bata pa ang namamasko nung panahon natin. Eh ngayon? Let's say I'm helping kids today relive Christmas caroling.”
He is right though. With technology advancing faster than we expect, a lot of things are fading away from conscious thought, such as this bliss of playing on the side streets with kids from the other block you don't know.
Natanaw na nila ang simbahang wala nang mapwestuhan. Puno na ang mga silya at may iilang nasa gilid at sa pintuan na nakatayo.
“Wala nang pwesto, Doy.”
“No shit, Sherlock.”
Isang amba muna bago magsalita ulit.
“Okay lang bang nakatayo tayo dito?” tanong ni Jaehyun.
“Oo naman. Di ko na rin mahanap mga kaibigan ko so mukhang dito ko na tatapusin yung misa.”
Nag-umpisa na ang banal na Misa. Magkatabi silang nagtuloy sa bawat bahagi at liturhiya ng Misa. Magkasama nilang pinakinggan ang sermon. Magkasama silang umawit at langit para sa mga tainga ni Jaehyun ang malapitang marinig ang malambing na tinig ni Doyoung.
Nagwika ang pari. “Ngayon, sama-sama nating dasalin ang dasal na itinuro sa atin ng mahal na Panginoong Hesukristo.”
Ama Namin.
Ito na ang hudyat. Inangat na ni Jaehyun ang kanyang kamay upang hawakan ang kamay ni Doyoung. Gone are the days na physically distanced ang bawat church goer.
Kasabay ng pag-awit ang kawalan ng kasiguraduhan kung ayos lang ba kay Doyoung. Kanya munang pinagdampi ang mga daliri nila. Walang kibo. Kanyang hinawakan ang apat na daliri. Walang kibo.
Kung akala niya ay nakita na niya sa ibang lente ang kasama niya sa buong araw, nagkakamali sya. Nang dumating na ang linyang “Para nang pagpapatawad namin...” tiniklop na ni Doyoung ang kanyang mga daliri. His delicate fingers were able to wrap Jaehyun's, enclosing it with the tips touching his own palm. An affirmative.
Natapos ang kanta na buong puso silang umaawit. Mga mata'y nakapikit at dinadama ang presensya ng kabanalan. Sabay na rin silang pumila sa komunyon. Hindi iniwan ang isa't isa dahil hindi parin nila tanaw ang mga kaibigan.
Natapos ang ikalimang araw ng pagsisimbang gabi. Napangalahati na nila ang siyam na araw.
“Jae.” tinawag ni Doyoung ang pansin.
“Bakit?” tumingin ito sa kanya. A moment sprung up between them. It's one of those looks that is reminiscent of puto bumbong. Malagkit. Napaaga ata ang pagningning ng tala sa Bethlehem dahil bakas ang pagpapakahulugan ng tinginan sa kanilang mga matang mapungay. Tinangay na ng mga cherubim ang mga salita at si Kupido na ata ang nagmamando sa mga anghel.
“Nandito ka pala, Doy!”
Umakbay kay Kim Doyoung si Jungwoo at sinundan ni Taeyong.
“Ah, oo.”
“Akala namin aabsent ka na today.” ani Taeyong.
Hindi rin nagtagal ay natagpuan na nila Yuta si Jaehyun. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ngiti na lamang ang kanilang nabati bago magkanya-kanya matapos buong araw na magkasama.
Ikaw ba naman ay nakawin ang cellphone sa bulsa mo ng mga kaibigan mo ay hindi ka mapapakaripas ng takbo. Kay galing pumutol ng mahiwagang saglit.