carat-engr

soonhoonsimbanggabiau

Epilogo: Veinticinco #SoonHoonSimbangGabiAU


Mapang-akit sa pang-amoy ng natutulog na Jihoon ang bagong lutong kastanyas, pero ang pwesto ni Kwon Soonyoung last night na walang laman ang gumising sa kanya.

“Panaginip lang ba?”

Nabigyang lakas ng wala sa oras ang katawang hindi pa gising. Maingay na rin ang labas. Pasko na.

“Mag-bibingka't salabat ka muna, sasakit tiyan mo pag inuna mo to.” Narinig ni Mama Lee ang yabag ng mga paang nagmamadaling bumaba. Naabutan sya ni Jihoon na pinaglalamayan ang one-fourth na kilo, binubuksan at nginangata.

Bumagal ang pagbaba ni Jihoon.

“Almusal, bibingka?”

“Bakit, kontra ka?” nagbago ang tono na may pananakot.

Naupo na nga si Jihoon at kinain. “Sorry na, Ma.” banggit nya habang ngumunguya ng bibingka.

“Namamasko po!”

Kahit anong tanda pa nila ay kilalang totoo na ang mga boses. At pinagbuksan naman sila ni Mama Lee.

Naunang magmano si Mingyu, being the mama's boy. Junhui, Hansol, and Seungcheol followed. Jihoon smiled at them with a mouthful of bibingka.

Gone is the awkwardness between what could have been lovers. For the most part.

“Bakit kayo namamasko pa, ang tanda-tanda nyo na!”

“Tita naman!” umastang bata na nga si Junhui. Not really suprising dahil ganito talaga siya. Sobrang mapaglaro pero isang mabuting karamay.

“O sya bumunot kayo ng isang ampao sa Christmas tree. Isa-isa lang ha?”

“Talaga po?” nabuhayan na ng loob si Seungcheol.

“Ayaw nyo ba?”

Walang anu-ano. Nagsitayuan ang apat. Saktong ubos na ni Jihoon ang bibingka't salabat. Bumulong ito sa kanyang nanay.

“Para naman sa mga bata yun. Hayaan mo na.” sagot ni Mama Lee.

Maigi ang pagpili na parang buhay ang katumbas ng pagpili.

“Anubayan?” buntong ni Seungcheol na isang malutong na bente ang nakuha.

Inasar ni Jun si Seungcheol. “Ah ako kwarenta!”

“Mga weak singkweta sakin.” Sinabakan pa ni Mingyu matapos ilabas ang perang papel.

Pero sinong mag-aakala.

“Salamat, Tita Lee!” ani Hansol. Nakabunot ng isang daang piso. Sapat upang magkaroon ng surf promo sa isang linggo.

Sa kalagitnaan ng tawanan, tumunog ang doorbell. Sino naman kayang tutungo sa kanila ngayon?

Who knew may nakakaalam pala na may doorbell sila.

Si Seungcheol na siyang nakaupo malapit sa pinto ang nagbukas ng pinto. Behold.

Kumbaga sa Santo Rosaryo, Ang Unang Misteryo ng Tuwa.

Ang Pagpapakita ng Arkanghel Gabriel kay Maria.

This joyful mystery seemed to have manifested in modern times. No. He isn't an incarnate of an archangel that descended on Earth. The way he beams, he is at par with the seraphs and cherubs, angels most close to the Lord.

“Ay, si Jihoon?” tanong niya.

At para kay Seungcheol na syang nagbukas ng pinto ng tahanan ng mga Lee, maging ang puso nya'y kakawala. Walang masabi dahil nahalina ng gandang lalaki.

Jihoon now had to intervene, opening the door wide enough for two persons to be seen.

“Uy, Jeonghan, Minghao!”

Naulinigan ni Junhui ang ngalan. Sinilip na rin nito at ayun na nga. Natanga na rin sa presensya ni Xu Minghao.

“Bakit kayo nandito?” tanong ni Jihoon.

“Ah, iaabot lang namin to. Merry Christmas! ” siya namang abot ni Minghao.

“Salamat! Mga kaibigan ko pala, si Seungcheol, Hansol, Junhui, at Mingyu.”

Nagbatian naman ang dalawang kampo.

“O sige, ihahatid pa namin to kay Jisoo.” nagpaalam na ang dalawa.

“Pahiram nga ng cellphone teka? Di ko maalala kung san ko naiwan?”

Agad namang bumunot si Seungcheol ng kanya at inabot kay Jeonghan.

Kinuha naman agad ni Jeonghan at tinype ang number nya. Dinig ang ringtone pero hindi mahanap kung saan.

Sa kanilang gulat ay binunot ni Jeonghan ang cellphone nya sa bulsa. Smooth as always.

“Alam mo Seungcheol...” he ended the call and returned the phone. “...you're not the first one to look at me like that. Call me when you have time for coffee.”

Jeonghan winked before turning his back and walked towards his car.

A flirt as always. Seungcheol stood frozen and dumbfounded at the doorway, watching the car drift away from his line of sight.

What woke Seungcheol from the trance Jeonghan's visual and charisma had put his consciousness under? Ang walang humpay na batok ng mga kaibigan nya.

Ayun, pikunin ang Leo nyo. Nagsitakbuhan na sina Mingyu at Junhui, sigaw ang pahabol na pasasalamat. Habol naman si Seungcheol at sumunod na rin si Hansol.

“Parang mga di nagsilakihan.” aniya Mama Lee.

His pocket vibrated. A message arrived.

Daan ka dito, Ji. May suprise ako for you. – Soonyoung

Hindi. Hindi siya nanaginip.

“Ma, pinapapunta ako ni Soonyoung sa kanila.”

“O sige, balik kayo dito para dito na kayo mananghalian. Lulutuin ko na yung Morcon.”

Narinig at naunawaan ni Jihoon bago lumakad papunta kina Soonyoung.

Buhay ang kalsada, bata't matanda mula sa iba't ibang lugar, nagkatipon para sa pinakamasayang araw ng taon.

The first of two celebrations we all share on December.

Taliwas ito sa naging pagdiriwang ng nakalipas na taon. Payak, walang buhay, walang kasingkulay ng mga taon bago ang pandemya at ng kasalukuyang taon.

Bilang nasa urban na komunidad, dagsa pa rin ang mga katutubong nagbabaka-sakali. So maybe di pa rin naaayos ang pagtingin at pagtrato sa kanila ng mga taga-lungsod, but at least the fentanyl-dependent geezer and his cohorts are gone. We can't have it all at once. This transformation as a society will be step by step, and a compassionate, pro-people and dedicated government will enable that finally.

“We're getting there.” Jihoon thought as he is steps away from Soonyoung's.

Tatlong katok.

“Jihoon?”

“Uy, Seokmin! Long time no see!”

“Nag-ikot kasi kami para mamigay ng laruan sa mga bata.”

“Ideya ni Soonyoung?”

Tumango ito.

“No offense pero may natitira pa ba sa kinikita nya araw-araw?” tanong ng boyfriend.

“None taken, kasi kami naisip na rin namin yan pero pano ba kami makakatanggi? Kaya dinagdagan na rin namin ng konti.”

“Nanghihingi na nga ko ng ligtas points sa kanya eh.” pagsingit ni Seungkwan na binuksan pa lalo ang pinto, lalabas na kasama nila Chan at Wonwoo.

“Tara na! Bibili pa tayo ng pulutan. Mamaya na lang kuya ah?” paalam ni Chan kay Soonyoung na aligaga sa ibang bagay.

Nginitian naman ni Jihoon ang mga kaibigan, o maaring naging kababata na hindi na nya maalala, ni Soonyoung.

Yumuko si Wonwoo upang bulungan si Jihoon.

“Get ready.”

Saka sabay sabay na lumakad palayo ng apartment ni Kwon, siyang sinundan ng tingin ni Jihoon.

“Mamaya na lang, sige!” sigaw ni Soonyoung at pagtalikod naman ng boyfriend nya.

Bihis pa rin mistulang Santa Claus. Oo, mainit ang Pasko sa Pilipinas and the red suit gave that away.

“May regalo ba ako mula kay Santa this Christmas?”

Soonyoung was quick to get his act back. Tinignan ang makabagong listahan ng nasa Naughty or Nice.

“Anubayan, sorry pero you're on the naughty list this year.”

Dinukot ni Soonyoung ang nasa bulsa nya at nilapag sa palad ni Jihoon.

Isang ampao.

“Akala ko uling binibigay mo sa mga walang kwentang bata?”

“May kwenta ka sakin, Ji. Why don't you see it for yourself?”

Kinapang mabuti ni Jihoon ang ampao. Sa unang kapa ay mararamdaman ng daliri ang bilugang hugis. But then again, parang nababalutan ito ng isa pang layer ng balot. At yung bilugang hugis? Malambot at parang makapal na goma.

Sinilip na ni Lee Jihoon ang laman.

Putangina.

“Marami pa ko nyan sa loob pag kinailangan.”

“Gago you could have asked me straight ahead.”

“And?” Naghihintay ng sagot si Soonyoung.

“Isang pasada lang. Dun ka na manananghali samin. Game?”

An eager nod.

Tinulak na ni Jihoon si Kwon Soonyoung papasok ng sariling tinitirhan at agresibong isinara ang pinto.

Maligayang Pasko, Kwon Soonyoung. Maligayang Pasko, Lee Jihoon.

At maagang pagbati ng Manigong Bagong Taon.

To quote Kuya Wil, putukan na.

Kabanata 10: Veinticuatro #SoonHoonSimbangGabiAU


Para sa pinakahuling araw ng anticipation sa araw ng Pasko dito sa parokya, sabay nilang sasalubungin ito. Dahil mamamahinga muna si Tita Lee sa pagluluto ng pang Noche Buena nilang dalawa, malamang sa Misa na lang siya hahabol.

Sumulpot na lang si Mingyu sa mga kaibigan niyang sabay tumungo ng simbahan.

“Manonood kayo ng Panunuluyan?” tanong niya papasok ng patio ng simbahan. May gayak ngayon ang paligid. Tatlong kubol.

“May choice ba ko Mingyu? Kailangan daw ni Minghao ng on the scene.”

“Minghao? Xu Minghao?”

“Oo, kilala mo ba?” usisa ni Jihoon.

“Junhui, bakit namumula?” pinunto ni Seungcheol. All eyes on Jun.

“Alam mo ba, kwento nya samin nung busy ka sa acads, lagi nyang iniistalk yung IG profile ni Minghao.” sumabat na si Mingyu.

“Ano yung sabi mo nung magdescribe? Abante?”

“Avant-garde, Sol. Mga uncultured.”

“Oo, kagrupo ko sya dun sa paper na sinasabi ko. Galing siya samin nung isang araw.” sinakyan na ni Jihoon ang birong nais totohanin ni Junhui.

“Ayun pala, the search is over. Balitaan mo kami pag dadaan ulit sila sa inyo ha?”

“Limang minuto at magsisimula na ang Panunuluyan at susundan ng Misa sa Hatinggabi.” anunsyong dinig sa buong kapaligiran ng simbahan.

Maraming tao ang manonood ng Panunuluyan, na siyang binuhay ng Komisyon sa Kabataan matapos ang pandemya. Kaya ganoon na lang ang tuwa ng mga nakakatanda.

Pero si Jihoon ang lugi, sa rasong alam nating lahat.

“Siguro naman.” nagsalita si Jihoon, kaya inalalayan na siya ng mga nagtataasan niyang kaibigan na makatuntong sa sementadong bloke na kinatitirikan ng poste ng ilaw.

Umawit na ang koro. Pinasimulan na ang paawit na salaysay. Kung papano pinag-utos ng bunying Cesar ang census sa lugar na pinagmulan. Dahil buhat si Jose sa Bethlehem ay nilakbay nila ito mula Nazareth. Ngunit wala silang alam na matutuluyan dahil hapong hapo na si Maria na nasa kabuwanan ng pagbubuntis.

Lumabas na ang pangunahing tauhan. Si Maria at si Jose.

Dinig ang bulungan na nagback-out ang dapat na gaganap kay Jose, cute daw yung taga kabilang kanto na pumalit, aniya.

Doon na nga. Hindi maitatago ng luntian na kasuotan at dilaw na balabal, mga kulay na nauukol kay San Jose, ang pagkakakilanlan. Si Kwon Soonyoung.

Lumakad na ang dalawa. Paika-ika ang aktres dahil sa dinadala na sanggol ng kanyang birheng karakter. Sa himig at titik ni Reberendo Padre Eduardo Hontiveros, gitara at piano ang mga sumasabay sa koro.

Hindi na nya namalayan na gumaan ang kamay ni Jihoon na may hawak ng cellphone at lumalapad ang ngiti niya. Mistulang mga tala sa gabi ng kapanganakan ni Jesus ang mga mata nya.

Itinigil na ang pagvideo at hinayaan na lang ang sarili na panoorin.

Unang maybahay at siya ang unang umawit. Dito nya lamang narinig ang pagkanta ni Soonyoung. Hindi nga pangkoro, pero disente pakinggan at para sa puso ni Jihoon, kahali-halina talaga.

Di nya ring maiwasang madala ng emosyon ng ginagampanan ni Soonyoung, nang tanggihan sila ng maybahay dahil puno na ang kanilang tahanan.

Hindi niya na rin namalayan ang kamay ng kanyang mga kaibigang nakahawak sa kanyang sakong. Sobrang tutok kasi si Jihoon sa pagtatanghal ng kanyang mahal, para bang naplantsa na ang gusot, ang hindi pagkakaunawaan.

Ganun na din lamang ang pagkapikon sa mukha nya nang tanggihan sila ng sumunod na mga maybahay, dahil sa may panauhin sa pangalawa at inalimura sila sa pangatlo.

Bibigyan na talaga ni Jihoon ng award si Soonyoung dahil talagang pinagbuti, isinapuso ang tema, ang hiwatig ng Panunuluyan.

Dumating na sila sa huling bahagi, nang ialok ng ikaapat ang sabsaban at marahang tinanggap ito nina Maria at Jose. Pinatay na ang ilaw. Pangwakas na ang inaawit at bumaba na si Jihoon.

“Tara na mawawalan tayo ng pwesto!” aya niya at pagtalima naman nila.

Hindi na nila kailangang tanungin kung anong sumapi sa kanya. Pag-irog.

Ngunit hindi lang siya ang nakaisip nito. Kaya agad na silang pumasok bago pa man ianunsyo ang pagsisimula ng Misa sa Hatinggabi. Doon sila pumwesto mga walong hanay mula sa harapan. At si Jihoon? Doon sa dulong malapit sa sentrong pasilyo.

Hindi nagtagal ay napuno na ang simbahan. Mula sa mga upuan, sa gilid na pagitan, maging sa labas. Palibhasa gagawing rason ang hindi na pagdalo sa misa kinabukasan.

Pumasok na ang mga ceriales, mga lector & commentator, mga lingkod ng Panginoon at mga pari. Nagwika na ang pari. Mga kaganapan sa kasaysayan. Sa arko ni Noah, sa Paghahari ni David, sa pag-upo ni Cesar bilang Emperador, among others. And finally. Ang pagbukas ng pintuan.

La Sagrada Familia. Ang Banal na Mag-anak. Buhat-buhat ng binibini ang sanggol. Sila'y lumakad sa saliw ng “Awitan ng mga Anghel” ang Tagalog na salin ng “Hark The Herald Angel Sing”.

Sinundan ni Jihoon ng tingin ang pagpasok ni Kwon Soonyoung. The latter got a glimpse of the former, making the former beam, before gazing back to the altar. Bilang mga pangunahing tauhan, sila'y pinaupo sa unang hanay matapos ilagay ang Banal na Sanggol sa sabsaban sa gitna.

The Midnight Mass proceeded with the jovial air. Whether people lean more into the religious context or the commercial context, the atmosphere uplifts everyone's dopamine stockpile.

The ecstasy is too immense to hide behind Lee Jihoon's persona. Nakikiisa talaga sa misa pero dumadating ang mga pagkakataon na ang leeg niya'y humahaba, hinahanap ang silhouette ni Kwon Soonyoung.

Sa pagpila para sa Banal na Komunyon, ganun na lamang ang paghahadali sa gitnang pila. Sa paglapit sa harap, wala si Soonyoung.

“Katawan ni Kristo.” wika ng pari.

Nabalik ang atensyon sa kamay na nakalahad, kaliwa sa itaas ng kanan. Ang ostiya ay nasa palad na. “Amen.” sagot nya.

Sa pagtalikod niya at pagbalik sa kanilang pwesto, pinipigilan nyang ngumiwi. Lumuhod siya at nanalangin. Ang siyam na gabing pagninilay, isama mo itong gabi, para makahiling.

“Kung siya talaga para sakin, ibigay nyo na po.”

Natapos ang misa.

O magsaya at magdiwang, pagkat sumilang na.

Pero hindi pa magawang magsaya ni Jihoon. Hinahanap nya ang lalaking bumihag sa kanya sa loob ng isang linggo.

Lumabas na si Lee Jihoon. Nagkukumpol na ang marami sa harapan upang makahalik sa nagkatawang-taong Anak ng Diyos.

Isang tao lang ang hanap-hanap. Susukuan na sya ng kanyang loob kaya naupo na lang ito sa tabi ng simbahan, head held low because of disappointment.

“Jihoon.”

Ang presensya ng isang pares ng sapatos sa kanyang harapan, kaya tumingala si Jihoon upang tingnan.

“Soonyoung.” Napatayo sya.

Tila hawak ng kanilang mga puso ang kanilang mga dila, hindi mahanap ang mga salitang akma.

“Galing mong kumanta kanina ah?”

“Ah yun ba? Sinubukan ko lang naman.”

Isang ngisi bago mangusap muli.

“Sorry.” sabay nilang banggit, ang pagkakasabay ay nagpangisi sa kanila.

“Ikaw muna, Jihoon.”

“Sorry if I forced things on you. Sobrang insensitive nung ginawa ko and I won't try to justify that. I'm really sorry, Soonyoung.”

“Jihoon, nag-apply ako.”

“Ano?”

“Sorry for lashing out on you. I didn't mean to. It's... it's my past. I've been keeping it from you kasi ayokong mag-alala ka. Do you...”

“You don't have to tell me if you're not okay with it.”

“No, I want to.” Naupo na si Soonyoung at sinimulang magkwento. Naupo na rin si Jihoon at nakinig mabuti.

“Sorry to hear that. Walang kwenta talaga si Mam Marquez.”

Soonyoung leaned onto Jihoon's shoulder. “Don't pity me, alright. I've had enough sa buong buhay ko. I'm trying to get my shit together ngayon.”

Hulog ng langit ang simoy ng hanging malamig na bumabalot sa katahimikan. Sa kapayapaan ng sandaling ito.

“You know what, Jihoon?” bumangon sa pagkakasandig si Soonyoung.

“Ano nanaman yun Kwon...”

Pinagtama na niya ang mga labi nila.

“Kasingputi mo si Mama Mary.”

“Gago, bawas ligtas points ka na nyan.” napatawa nya ang kasama.

“Pero seryoso. Thank you. For helping me heal. Hindi madali pero alam kong nakasuporta ka, kayo ng mga kaibigan ko.”

“Thank you rin, Soonyoung.” Hinawakan nya ang pisngi ng kasama at iniharap sa isang gilid. “Kasi you made it easier for her to understand.”

Nanlaki ang mata ng Kwon Soonyoung. Naroroon, nakatindig at abot-langit ang ngiti. Si Mama Lee.

“Tita! Kanina pa ba kayo dyan?”

“Hindi naman, iho. Ano, magmomomol pa kayo dyan? Lalamig yung sinigang sa miso.”

Tumayo na si Jihoon at tumabi sa kanyang Mama.

“Tita Lee?! Nakakahiya ang dami pong tao!”

“Sana naisip mo yan nung hinalikan mo yung bunso ko.” tinulak ng bahagya ni Jihoon ang balikat ni Mama Lee.

“So... sorry po, Tita.”

“Tatanggapin ko lang yang apology mo kung samin ka magnonoche buena.”

Lumapit si Soonyoung kay Tita Lee at kumapit sa braso, pinagitnaan ng dalawang binata ang kanilang ilaw.

“Makakatanggi ba ko, nyan Tita?”

Sa kanilang pag-uwi ay mahigpit pa rin ang kapit ni Soonyoung kay Tita Lee na nagmumukhang anak niyang tunay ang binata.

Tumulong na maghain ang kanilang bisita. Payak lamang ang Noche Buena pero espesyal ito para sa kanilang tatlo. Maging ang Pasko isang taon matapos ang Pandemya ay natatangi rin para kina Jihoon at Soonyoung.

Pasko ng Paglaya.

Paniguradong nananabik si Soonyoung sa mga lutong ulam ni Tita Lee. Ang mainit na sabaw at ang mapintog na rosas ng salmon. Ang liempo na inihaw at hiniwang pahaba, samahan ng toyo't kalamansi at pinigang siling labuyo.

Pamilya na nga ang turing niya sa kanya.

“Dito ka na matulog sa kwarto ni Jihoon.” sabay kindat habang hinahawan ang pinagkainan.

“Tita naman!” hindi pa rin makapaniwala sa mga banat ng nanay ni Jihoon.

“Anong sinabi ko sayo, iho?”

“Ay. Mama Lee, naman!” pinabago na sapagkat ina-inahan naman ni Soonyoung ang nanay ng kanyang kasintahan, na natatawa sa inaasal nya.

“Sige na, pumanik ka na sa kwarto. Inaantay ka na nun.”

“Sige po, salamat po!”

Pumanik na si Soonyoung at nilakad ang pasilyo hanggang dulo. Kumatok siya ng tatlo bago paikutin ang doorknob at itulak ang pinto upang idungaw ang kanyang ulo.

“Uy, Soonyoung, pasok!” aya ni Jihoon na katatapos lang ipagpag ang kumot.

Naupo si Soonyoung sa kama.

“Ngayon ka lang ba nagligpit ng kwarto?”

“Buti nga di mo nakita yung bakat ng luha dyan sa sapin.”

Matapos ilagay ang nasabing punda sa tumpok ng labahin, lumapit sya sa kanyang office table at kinuha. Si Kwon Soonyoung ay sinusubukang silipin ang tinatago ni Jihoon.

Tumayo si Jihoon sa harap.

“Merry Christmas.”

Iniangat ni Jihoon ang kanyang braso upang ilaylay ang mistletoe.

“So anong gusto mong sabihin?”

“Pwede bang pumangalawa ng dessert, Kwon?”

Inabot ni Kwon Soonyoung ang tangan ni Jihoon at hinulog sa lapag.

Soonyoung took Lee Jihoon by the waist and pulled him closer. Jihoon cupped his cheeks to close the distance their lips had seconds ago, slotting his tongue in between. Ang init ng kanilang kalamnan ay hinayaan nilang maghari. Umaatras na si Soonyoung sa direksyon ng headboard. Binaba ni Jihoon ang katawan nya upang gapangin, sundan ang tintunugo ni Soonyoung.

Sa pagtunog ng pagsandal sa likod ni Kwon, natigilan silang pareho. Their lips curled upward. Jihoon rubbed his nose against Soonyoung's.

Inangat na ni Jihoon ang sarili nya.

“Usod.”

“Ha?”

“Umusod ka na lang.”

At siya ngang ginawa. Naupo si Jihoon sa tabi nya, mga paa nakalatag sa ilalim ng kumot. Tinapik nya ang kanyang hita, imbitasyon upang humiga.

“Marunong ka mag-Cebuano?” tanong ni Jihoon.

Kinuha ni Soonyoung ang kanyang kamay at hinalikan ito. Malambot at may lambing.

“Gihigugma ti ka, Jihoon.”

Yumuko si Jihoon at hinalikan ang noo nya. Nang bumangon, ay inayos ng kanyang mga daliri ang mga buhok sa noo nya.

“Gihigugma ko ikaw, Soonyoung.”

Makalangit ang pagngiti ni Soonyoung bago ibaon ang mukha sa tiyan ni Jihoon. Ang dalawang braso ay ipinaikot, umilalim sa pingit sa pagitan ng likod ni Jihoon at ng kama. Ang kamay ni Jihoon ay hinahaplos ang buhok ni Soonyoung.

Walang anu-ano ay umawit si Jihoon.

“Ang gabi'y payapa, lahat ay tahimik.”

May tunog pang-ugoy na mababakas sa tinig ni Jihoon.

“Pati mga tala sa bughaw na langit.”

Ayon sa mga kwento, sa kailaliman ng gabi habang tinatanaw ang Maynilang dinurog ng ikalawang Giyera Mundial, naisulat ng Pambansang Alagad ng Sining Felipe de Leon ang “Payapang Daigidig.”

“Kay hinhin ng hangin, waring umiibig Sa kapayapaan ng buong daigidig”

Oo, sa pagsapit ng Kapaskuhan, ang buong mundo ay humihinto. Upang magdiwang. Upang magkatipon. Isang araw para sa karamihan upang limutin ang mga responsibilidad, ipahinga ang puso't isip mula sa pasanin ng buhay. Tunay na umuusbong ang kapayapaang ito. At batid ito ng mga puso nina Jihoon at Soonyoung.

“Payapang panahon ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos sa sangkatauhan.”

Tinignan ni Jihoon ng isa pang pagkakataon ang kanyang irog. Simula ngayon, pangako nya sa kanyang sarili, na bigyan na nya ang sarili nya ng pagkakataong lumigaya. Ang nasabing ligaya ay natagpuan nya sa lalaking mahimbing na ang pagkakatulog.

Pinikit na nya ang kanyang mata at hinayaan na nyang magpahinga ang kanyang katawang nagdaan mula kalungkutan papunta sa katuwaan.

“Ang gabi'y payapa, lahat ay tahimik Pati mga tala sa bughaw na langit.”

At lilipas ang bisperas ng Pasko sa piling ni Soonyoung. Nabigyang katuparan na ang mga hiling at samo.

Kabanata 9: Veintitrés #SoonHoonSimbangGabiAU


Kwon Soonyoung stood. His weight is leaning unto the bamboo railings, beholding the magnificence of the lush mangroves and of the lake where it stands.

“Huy, baka mahulog ka dyan!” babala ni Wonwoo.

“Sure kang okay lang na may lakad tayong hiwalay? Baka ma-upset sila.”

“Hey, it's okay.” Tinapik ni Wonwoo ang pisngi niya. “Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangang magkakasama tayo lahat para masabing friends tayo.”

“Eh bakit ka nandito?”

“Pinapunta mo ko dito diba?”

Oh.

“Saka bakit dito pa?”

“I don't know. Breath of fresh air?” Lumanghap si Soonyoung.

“Magsawa ka sa fresh air.” Wonwoo opened his arms to illustrate the many trees undergoing photosynthesis.

Sinimulan na nilang lakarin ang mahabang walkway.

“Dolomite whomst?” sigaw ni Kwon na parang ewan, to which natawa si Wonwoo at the memory of the disgrace of the past administration. A waste of three hundred million pesos of taxpayers' money. Couple that with unqualified officials justifying the aesthetic quality that they want to pursue and you've got a shit show.

Nilakad na nilang sabay ang pathway ng mangrove park. Bagama't panahon ng bakasyon, nakakabiglang isipin na iilan lang ang kagaya nilang ninanais makapagtago sa kaguluhan ng buhay siyudad.

Hinintay muna nilang makarating sila sa bahaging napaliligiran na sila ng mga bakawan. Dinadama ang simoy ng hanging walang katumbas.

“Soonyoung?” huminto si Wonwoo sa paglakad.

Tumalikod ang kasama.

“Spill.”

“Hindi ko alam san magsisimula.” Tumabi na si Soonyoung sa daanan. Sumunod na rin si Wonwoo.

“Soonyoung, hindi kami bulag. The way you avoid meeting eyes with him, that's so unlike you. Alam naming hindi ka okay.”

“Jihoon... Jihoon offered his help na makakuha ako ng scholarship para sa college.”

“Shit.”

“And I broke down tapos nagalit sa kanya. Pero ngayon naguguilty na ko sa naging asal ko sa kanya. Hiyang-hiya na ko.”

Ganito ang siste nila palagi. Makikinig muna si Wonwoo. Hahayaan nya munang mailahad lahat ng nais ni Soonyoung, saka lang magwiwika ng katuturang tatagos sa pagkatao nya.

“Tangina, bakit ako nagkaganito? Mahal ko yung tao tapos pagtatabuyan ko? Ang tanga lang, Kwon.”

“Aaminin ko na, Soonyoung. Matagal ka na naming gustong tulungan. Tulungan na maghilom. Pero everytime na susubukan namin, you break down. Kaya sinasabi naming wag na muna, dapat sa'yo manggaling yung initiative.”

“Okay lang bang balikan natin yung nangyari nung Fourth Year? Kailangan nating ugatin to.”

Tumango siya at nagsimulang magsalaysay.

Fourth year. Maugong na sa buong faculty ang pangalang Kwon Soonyoung. Ang estudyanteng exception to the rule. Sa likod ng padaskol-daskol na ugali dati ay ang ibubuga niyang kahusayan. Pagsisikap na armas niya para matanaw ang utang na loob sa mga kamag-anak at makapagsimula para sa sarili.

“Kwon Soonyoung, pwede ba tayong mag-usap?” banggit ng adviser kay Soonyoung na nakahanda nang umuwi, bag ay nakasukbit sa isang balikat.

“Opo, sir.”

“Anong plano mo after makagraduate? May course ka na ba?”

“Uhm, sir, hindi po ako magtutuloy ng college.”

“Nak, bakit?” taguri niya sa kanyang mga anak-anakan sa paaralan.

Hesitant pa si Soonyoung but with the rapport they have built in the past school year, nabuo ang pagtitiwala.

“Hindi po kasi kaya nila Tito na pag-aralin ako ng college ngayon. Kaya baka magtrabaho muna ko sa Jollibee, para makatulong po muna sa kanila.”

“Eto.” Inabot ng adviser ang ilang page ng long bond paper. Binasa ni Soonyoung ang nilalaman.

“Scholarship?”

“Soonyoung, hindi lahat ng estudyante dito binibigyan ng form para sa scholarship. Pinipili ni Principal yung bibigyan. Kinausap ko si Principal about dun at kita naman niya ang performance mo the past two years. Naniniwala siyang may tsansa ka, kaya ayan.”

“Sir...”

“Ayusin mo yung sa mga guardian mo. Saka fill-up-an mo ba yan. Yung iba, kami na mag-aasikaso. Basta ipasa mo yan by Friday.”

Sa sobrang tuwa ay napayakap si Soonyoung. “Salamat po, Sir!”

“Sige na, palubog na araw. Baka hinahanap ka na sa inyo.”

At tumakbo na nga pauwi si Soonyoung. Walang humpay sa pagpapasalamat.

Pinanood ng adviser niya ang pag-uwi ng estudyante nya nang may magsalita sa likuran niya.

“Bibigyan mo talaga siya ng application form?”

“Deserving yung bata, Ma'am. Mano bang bigyan natin ng tsansang umasenso.” umalis na ang gurong tagapayo ni Kwon.

Isang banta ito para kay Gng. Marquez, ang tagapayo ng Section 1. Hindi na lingid sa kaalaman ng mga guro ang karumihang pinapairal sa paaralan. Kung alam lang ng mga magulang kung ilang batch na siya nakapaghasik. Pagdating ng kalkulahan ng academic at co-curricular, minamanipula niya ang bilangan. Paggawa ng mga pekeng certificate para umangat ang puntos, pagbago ng grade from 95 to 90, among other things.

Hindi katanggap-tanggap para sa elitistang gurong ito na naniniwala sa mala-caste system ng mga section. At ang mga oportunidad para sa scholarship ay dapat doon sa mga karapat-dapat, that is mga estudyante niya sa kanyang paniniwala.

Meanwhile, labis-labis ang galak ng pamilya niya nang mabalitaan ang pagkakataong ibinigay sa kanya. Walang dalawang isip nang ihanda nila ang mga kakailanganin. Birth Certificate, Affidavit of Guardianship, etc. Di bale na ang gastos sa pagpapanotaryo, dahil hindi bumubukas ang pinto ng oportunidad ng ganun-ganun lamang.

Huwebes na. Si Gng. Marquez ang huli nilang klase. Bitbit ang envelope na naglalamang ng form at iba pang requirements, dali-daling tumayo papunta sa pinto.

“Soonyoung, pwede ka bang maiwan?”

“Opo, ma'am.” Walang magawa kundi sumunod at tumindig sa harapan ng mesa.

“Ano yung nasa envelope mo?”

“Ah, eto po? Requirements ko po para sa scholarship.”

“Pwede patingin?” Inabot ni Soonyoung. Walang reklamo.

Binuklat ni Ma'am Marquez ang tuping nagsasara ng envelope at inilabas ang laman. Tinignan niya ang mga requirements. Ang 1 by 1 na kuha lamang ng cellphone sabay edit sa computer. Ang pinagsikapang mga papeles ng pamilya nya.

Naghari na ang kasahulan. Nang pinunit niya ang mga ito, nilamukos at itinapon sa basurahan. Hindi makakontra ang estudyante.

“Ma'am, wag po.” Sa guise ng pagrespeto sa awtoridad, hindi niya magawang pigilan.

“Sa totoo lang, hindi deserve ng isang siga, walang binatbat na bata ang ganitong tsansa. Wala kang patutunguhan, iho.”

“Ma'am, mawalang-galang na po, pero hindi po tama yang ginagawa nyo.” Unti-unti nang tumataas ang boses ni Soonyoung. Mrs. Marquez slammed the table and stood up. Nanlilisik na mga mata at nandudurong daliri.

“Soonyoung, isa kang inutil! Tanggapin mo na, iho. Kahit anong gawin mo, once a gago, always a gago. Saka ano na lang sasabihin nila sa eskwelahan natin. Mag-isip-isip ka na.”

Nag-walk-out na si Ma'am. Naninigas siya sa kanyang mga narinig. Kailangang magsinungaling ni Soonyoung na hindi siya nakapasa sa umampon sa kanya, na ayaw na niyang subukan ang scholarship sa adviser nya.

“Buti nga natanggal na si Marquez after nun. Pero the damage has been done.”

“You know what I think, Soonyoung? Getting upset over this is valid, but to react like that? Yung maglash out ka sa kanya? That's messed up. Not just speaking para kay Jihoon, but to all of us who care for you.”

Napaisip si Soonyoung habang tinatanaw ang mga ibon.

“Kwon, we wil never ever get tired of telling you, making you feel that we believe in you. Alam ng lahat kung gaano ka-probematic yung nagsabi sa'yo nyan. Alam ni Jihoon. Alam namin. Na hindi ka inutil, na may binatbat ka.”

“We just want to help you. Alam mong hindi madali yung naging buhay mo after nun. A dream delayed is not a dream denied. Pangarap mo parin dibang mag-give back sa kanila?”

“Oo.”

“Eto na yun. Nandito kami. Nandito si Jihoon. Tingin mo ba papabayaan ka namin?”

“Hindi.”

“Ayun pala eh.” Tinapik ni Wonwoo ang likod ni Kwon na bakas na ang ngiti. Malinaw na ang lahat.

“Salamat talaga, Wonwoo. How can I ever repay you?” gumaan na ang tono ng usapan.

“Well, there is one. Pero mahirap to kasi unang step pa lang eh.”

“Kahit ano pa yan, basta para sa'yo Jeon Wonwoo.” umakbay na si Soonyoung.

“Ihanap mo ko ng computer shop.”

“Para saan naman? May cellphone ka naman.”

“Para makapagpasa yung bestfriend ko ng scholarship nya. Para matupad na nya lahat ng pangarap nya.”

Kinuha ni Soonyoung ang braso ni Wonwoo.

“Ano pang hinihintay mo? Tara na!”

Kumaripas na ng takbo ang dalawa.

Ilang oras nang nililibang ni Lee Jihoon ang sarili nya, mainly by trimming down his watchlist; catching up on everything he missed. However thrilling the plot or character development, he still turns back to his phone. As if his psyche is magnetized by the gadget.

Kwon Soonyoung, I'm sorry. Sorry for being insensitive. I know I'm being annoying and I'm the last person you want to talk right now, but call me if you want to talk.

All on delivered.

Dalawang katok bago sumilip.

“Ji?”

Napababa ng cellphone. Pumasok na kapagdaka si Tita Lee.

“Bakit, Ma?”

“Kanina ka pa nagkukulong dito.”

“Ah, tinapos ko kasi yung mga gusto kong panoorin.”

“Eh bakit nakasimangot ka pa rin?”

Napayuko si Jihoon. Bukas ang bintana ng pagkatao niya pagdating sa kanyang ina.

“Dahil ba yan kay Soonyoung?”

Mabilis ang tingin nya sa kausap.

“Kung humaharot ka ng patago, next time wag mong gagawin sa harapan ng bahay.”

Napatakip si Jihoon ng mukha sa kanyang hiya.

“Sorry, Ma.”

“Sorry saan? Jihoon, wag kang mag-sosorry for choosing how you want to live your life.”

“Sorry kung hindi ko sinabi agad. Natatakot ako baka... baka hindi mo ko matanggap.”

“Jihoon, bunso, sorry if i made you uncomfortable living your truth, na parang di kita tatanggapin. When in fact, mahal na mahal kita, at hindi magbabago yun.”

Naluha na ang anak. Niyakap na siyang mahigpit ni Mama Lee. Dito na lumakas ang hagulgol ni Jihoon.

“Jihoon.” Hinagod ni Mama Lee ang kanyang likod. “Oh, Jihoon ko. Madami ka nang sinakripisyo para satin. Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa'yo. Please, Jihoon. Hayaan mong sumaya yung sarili mo. Yun lang ang gusto ko para sa'yo.”

May hikbi pa rin kay Jihoon ngunit humina na ito nang may manapat sa kanila.

“Patatawarin ho!” sigaw niya. Siya namang pagtawa nila parehas. Inangat na ni Mama Lee ang kanyang maamong giliw na Jihoon. Pinupunasan ng kanyang daliri ang luha ng anak na umagos sa mukha ng kanyang nag-iisang anak.

“Thank you, Ma.”

“Bunso, wala yun. Tandaan mo to. Kailanman di ka nagkulang bilang anak, kaya hindi ko ipagkakait kung gusto mo rin ng titi gaya ko.”

'Ma naman.”

“Anong oras na! Tumayo ka na dyan, tama na ngawa natin. Wala na tayong aabutan nyan.” Dali-dali nilang inayos ang mga sarili bago iwan ang bahay para sa huling gabi ng Misa de Gallo. Kalimitang ginagawa ito ng ilang kapilya at parokya upang bigyang daan ang magdamag na paghihintay sa Pasko ng Pagsilang.

Sabay na silang lumakad papunta.

“Teka. Di mo pa rin sinagot tanong ko. May ginawa ba si Soonyoung sa'yo? Walang'ya papaluin ko yang batang yan.”

“Ako may kasalanan. Napasobra ata ako.”

“Edi...edi mag-sorry ka. Mahal mo naman si Kwon diba?”

Pihikang tango.

“Ayun naman pala, nagbibinata na ang bunso ko.”

“Ma!” he interjected at his mother who kept on teasing him.

“Pero eto, apologize. Hay, anak. Marami pa kayong kakaning bigas.”

“Boo!”

“Ay SusMarYosep!” napabulalas si Mama Lee. “Ikaw, Mingyu ha!”

“Sorry na po, tita.” paumanhin nya.

“O siya, maghahanda pa ko.” Inangat nya ang bitbit nyang robe at veil. “Kayo na bahala sa kanya ha?”

“Opo, iuuwi po naming buo si Jihoon.” pangako ni Hansol.

Lumakad nang una si Tita Lee. Nalaki naman hakbang nila Seungcheol dahil hinahabol nila ang pwestong nauubos agad tuwing ikadalawampu't tatlo ng Disyembre. Namumutawi kay Jihoon ang kapayapaan ng loob. Lahat ng takot ay nawaksi liban sa isa. Ang gusot nila ni Soonyoung.

Kyrie Eleison.

Lumuwag ang dibdib ng tatlong nakababatang kaibigan nila Soonyoung at Wonwoo. Walang pinipiling edad ang pagmamalasakit, lalo na kung malalim at matatag na ang pinagsamahan. At mas naglaho ang pagkabahala nang nakita nilang lahat ang ngiti at pagbibiro ni Soonyoung.

“Soonyoung, huy.” bulong ni Seungkwan nang tapikin.

“Ha?”

“Kanina ka pa nakatingin sa kanya, matunaw yan wala ka nang aabutan.”

“Shh. Ang ingay. Makinig na kayo sa sermon, baka madagdagan ligtas points nyo.” ani Seokmin.

Pag si Seokmin nagreklamo, shut up na lahat. Napatakip ng bibig na lang si Chan.

“Hayaan mo na sila. Hindi mo hahayaang lumamig Pasko mo diba?” tanong ni Wonwoo, ang kanyang kasama mula kanina pa.

“Ako pa ba?”

Kabanata 8: Veintidós #SoonHoonSimbangGabiAU


“Ngayon ka lang ata nagising?”

Ito ang pambungad ni Mama Lee sa kanya.

“Morning, ma.” pagbati niya sa gitna ng pagbaba sa hagdan.

“Mag-good morning ka na rin sa mga kagrupo mo.”

Sinilip nya sa ilalim ng hawakan.

“Good morning, Ji!” pag-una ni Minghao. Sa tabi niya, si Joshua, itinaas ang baso ng kape na hindi pa bawas, bili mula sa French Baker. Pagkaswerteng grupo.

“Teka, pano nyo?”

“Dinala mo na kami rito dati, diba?” hayag ni Jeonghan.

“Gawin mo muna yung ritwal mo sa umaga, Ji. Mauuna na ko mga bata, ha? Pag may kailangan kayo, tawag lang kayo sakin ha?” bilin ni Mama Lee sa may pintuan, nakabihis pang-Zumba.

“Opo, salamat po!” paalam ng tatlo at pasalamat sa pagpapatuloy.

Sampung minuto sa banyo. Hilamos at sipilyo. Tumingin muna sa salamin matapos.

“Okay na to.” at saka lumabas upang sumama sa kagrupo.

“Kainin mo na tong pa-almusal ni Jeonghan.” abot ni Joshua sa plato ng croissant para sa may-ari ng bahay. Iniusod na rin ang kape ni Jihoon palapit sa kanya, para maibaba ang laptop ni Jeonghan.

“Pakuha na rin ng Biogesic at baka nilalagnat na to sa ginastos.”

Halakhakan silang apat. Ito na ang araw upang i-finalize nila ang paper na ipapasa nila. Sa lahat pa talaga ng panahon, dito pa itinapat. Nonetheless, tuloy lang ang pagsikad. Malapit naman na sila sa pagkamit ng diploma. Konting-konti na lang.

Kasabay ng pagkain ni Jihoon ay inumpisahan na ang pagtatapos ng kanilang pampaskong suliranin bilang estudyante. Ang tagapaghandog ng stress sa panahon ng pag-asa at tuwa. Mga correction, revision, suhestyon sa daloy ng mga katuturang nasasaad sa dokumentong ipapasa. Di rin nagtagal ay nagsilapagan na ang mga laptop at ginawa ang lahat ng makakaya nila para mapag-abot ang mga dulo ng kanilang nerve cells.

“At okay na.” deklarasyon ni Jeonghan sabay inat. Nagbanat ng braso at mga daliri.

“Anong oras na?” ani Minghao.

Tumingala si Jihoon sa orasan. “Alas-dose medya na pala.”

Nasa dulo na ng dila ni Jihoon ang nais nyang sabibin. Sa tunog ng paglapag ng baso, nagwika si Jihoon.

“Teka, may alam ba kayong mga scholarships sa university natin?”

“Para saan naman?” tanong ni Joshua.

“Yung... yung kaibigan ko kasi. Marunong saka masipag pero hindi daw nya kayang tustusan yung pang-college nya.”

“Ahh.”

“Oo, gusto kong tulungan kasi eh.”

“May isesend akong form sayo. Company scholarship sya. Essay based plus yung typical na requirements. Grades, et cetera, et cetera.”

“Thank you talaga, Jeonghan.”

“Wala yun. Sumama ka na lang saming kumain.” anyaya pa ni Jeonghan.

“Ey, hindi pwede. Wala sakin ang susi.” dahilan niya.

“Sumama ka na, Ji. Nang makapagligpit ako.” siya namang pagpasok ni Mama Lee.

“Thank you po ulit, Tita Lee! Hatid na lang namin po ulit si Jihoon.” Nakaligpit na ng gamit si Minghao at ang mga kasama.

“Merry Christmas po!” bati ni Jeonghan.

“Sa uulitin po, Tita!”

Natulak ni Jihoon ang balikat ni Joshua habang papalabas upang mananghalian.

“Sige, happy new year na rin sa inyo!”


“Ang aga mo naman ata, Soonyoung.”

Si Mama Lee ang nakapagbukas ng pinto para sa kanya.

“Ah eh kasi po...”

Bago pa madulas ng sabi si Kwon Soonyoung tungkol sa kanilang dalawa, nasa likuran na nya si Jihoon.

“Nagpapatulong si Soonyoung sa pagliligpit sa kanila.”

“Ah ganun ba? So kita na lang tayo sa simbahan mamaya?”

“Opo, madami kasing hahawanin eh.” paliwanag ng sundo.

Akmang babatukan na ni Mama Lee si Soonyoung. “Ikaw kasing bata ka, hay nako. Sige na. Lumakad na kayo. Madami ka talagang lilinisin sa kanila, nak.”

“Sige po, tita. Una na po kami.”

Umalis na ang dalawa upang pumunta sa bahay ni Soonyoung, kung saan malaya nilang maipapamalas ang relasyong nabuo nila.

“Bakit ka naman nag-aya agad?”

Lingid sa kaalaman ng kasama, susupresahin ni Jihoon si Soonyoung ng tungkol sa scholarship.

“Ikaw, alam mo na bahay namin. Pero ako ni minsan di pa ko nakakapunta.”

“Fair enough.”

Within minutes ay narating din nila ang tinutuluyan ni Soonyoung. Tama nga si Mama Lee nang sabihing madaming ligpitin. Naunang pinapasok ang bisita.

“Tangina, dugyot.” he exclaimed.

“Ouch.” napahawak ang may-ari sa kanyang puso.

“Sorry na.” inabot ni Jihoon ang buhok ni Soonyoung at ginulo ito.

“Ano ba yang sasabihin mo?” Naupo ito sa kama.

“Diba sabi mo noon hindi mo kayang tustusan yung pang-college mo?” Nagmomostra si Jihoon habang nagsasalita.

Tumuwid ang mga nakangiting labi ni Soonyoung.

“May scholarship yung university namin! Essay lang kailangan tapos the rest, meron ka naman na.” Ang loob ni Jihoon ay puno ng galak.

“Hindi ba maganda yun, Soonyoung?”

Bumalik ang tingin nya kay Soonyoung. Tulala na ito at hindi na maipinta ang mukha.

“Soonyoung. Okay ka lang?”

Para kay Soonyoung, naging pinakamaugong ang mga ingay na kumikitil sa himbing ng pagkakatulog sa sandaling ito. Kamay niya'y muling nanginginig, nakalapat sa mga tuhod. Ang temperatura niya'y tumataas ngunit parang maneking hindi maigalaw ang sariling katawan. Hindi makadaing sa bawat salita ni Jihoon.

“Soonyoung, okay ka lang?”

Nang madama ni Soonyoung ang kamay na nasa balikat nya. Doon na namalas ang hapis na kinikimkim niya. Ang paghalinghing at pagtangis ni Soonyoung ay siyang babasag sa galak ni Jihoon.

“Bakit?!” bulalas ni Kwon. May pagtaas ng boses. Kasindak-sindak.

“Eh kasi...” sinubukang magpaliwanag ni Jihoon, lapatan ng tamang salita ang bawat sasabihin.

“Ano, Jihoon? Sagutin mo ko bakit?!”

Hindi na rin naiwasan ni Jihoon at nilakasan na rin nya.

“Kasi alam kong kaya mo! Sayang yung ibubuga mo! Para mabigyan mo na yung sarili mo ng maayos na buhay!”

“Sino ka para manghimasok sa buhay ko?” napatayo na siya.

“Kwon Soonyoung, bakit ka galit? Sabihin mo kung may ginawa akong mali! Hindi yung pagtataasan mo lang ako ng boses!”

“Hindi mo ba naiintindihan?”

“Hindi! Kaya nga ipaintindi mo sakin bakit.”

Huminga ng malalim si Soonyoung.

“Lumabas ka na.” kalmadong hayag niya.

“Ano?”

“Lumabas ka na!” hinarap na nya si Jihoon, mga luha'y nanunulay sa pisngi niya. Mata'y namumula.

Hindi makapaniwala si Jihoon sa inasta ng kanyang boyfriend. Naiintindihan nya. He's not wanted here. Kaya tumayo na sya at tumungo sa pinto. Hinawakan nya ang doorknob at pinihit.

“Tandaan mo, Soonyoung. Hindi kita gustong masaktan. Kahit kailan hindi ko gugustuhin yun para sa'yo. I believe in you. Sa kakayahan mo. Sa pagtulong mo sa nangangailangan.”

Lumabas na si Jihoon at iniwan na nya ang gusot as is. Hindi na talaga makaya ni Jihoon. Kailangan rin niyang magkulong, pakawalan ang mga luha sa namumugto niyang mata.

Matulin na tumakbo si Jihoon pabalik ng kanyang bahay.

“Jihoon!” tinawag siya ni Junhui.

Hindi ito pinakinggan at tuloy lang sa pagtakas niya sa mundo. Hindi nagtagal ay hinahabol na siya ni Junhui at Hansol.

Sa pangangatawan ni Jihoon ay hindi nila nahabol. Kaagad nagsara ng pinto ng bahay at pumanik. Dinig ang yabag ng mga paa sa hagdan.

“We have to intervene.” banggit ni Hansol.

Binunot ni Moon Junhui ang cellphone.

“Pakiramdam ko may nangyari na.”

“Act natural, gago.” Sumisilip si Hansol sa may poste kung paalis na si Jihoon. Lumubog na ang araw at nandun pa rin ang takot nilang magtanong sa tunay na lagay ni Lee Jihoon.

“Kailangan pa bang sumama ako?” buntong ni Seungcheol sa plano ng mga kaibigan.

Ang nasabing GC? Para sa birthday ni Jihoon nung nakaraang taon. Si Junhui ang nagpatawag, Si Seungcheol ang nagkwento. Mingyu at Hansol ang pumawi ng lungkot.

“Bestfriend mo pa rin yan, Seungcheol. Baka dito na maayos yung mga nararamdaman mo.” love guru Junhui replied.

Wala siyang choice. Dahil alam nyang di sya titigilan ng mga to. Dahil alam nyang minsan lang maging padabog ang mga kilos ng matalik niyang kaibigan. Pero hindi nya magawang magalit kay Soonyoung. Not with the memory of Jihoon being happy with Soonyoung embedded in his mind, like a pinned tweet. Wika nga ni Piolo Pascual, there's has to be an explanation behind this; an acceptable reason.

“Ayan na, palabas na sya.” Namataan ni Mingyu.

“Teka....teka...” paghintay ni Hansol na makalakad ng ilang metro mula sa gate.

Pinangunahan na ni Mingyu at Junhui, sinundan ni Hansol at tahimik na nasa likuran si Seungcheol.

“Huli ka!” pag-akbay ni Mingyu kay Jihoon. Tinignan nya ang mga kasama. Lahat kanyang nginitian. Pati si Seungcheol.

“Bakit tahimik ka? Ayos ka lang, Jihoon?” tanong na ni Junhui, straight to the point.

“Oo ayos lang ako.”

Tinignan ni Junhui ang mga kasama. Iisa ang iniisip. Kasinungalingan, Jihoon. Kasinungalingan. But they have to act without imposing so tuloy lang sa paghunta. He feebly smiles when someone does something funny, but beyond that, that's about it. Usually, he'd lose his marbles laughing at the follies of his childhood friends.

Narating na nila ang simbahan. Ikawalong gabi na kaya parami na rin ang mga tao. Mga pamilya, mga barkada. Pinili nilang tumayo sa gilid, kung saan abot ng wall fan. Hindi maiwasan ni Jihoon at umikot ang paningin nya. Ilang minutong paghahanap at nakita na niya si Soonyoung. Tila hindi naganap ang kaninang hapon. Sa paglingon ni Soonyoung ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Kita niya ang malungkot na pagtitig ni Jihoon sa kanya, sabay hanap ng ibang titignan.

Hindi na kayang sikmurahin ni Choi Seungcheol ang ganitong estado ng mga damdamin ni Jihoon. Gamit ang angking lakas, he grabbed Jihoon by the wrist and pulled him outside. Somewhere far from the crowd. Edi doon sa lugar kung saan nakatayo ang grotto na kahalintulad ng pinagpakitaan ng Mahal na Birhen sa Lourdes, France.

“Seungcheol, bakit mo ko hinatak? Magsisimula na yung misa.”

Tamang hakbang sa direksyon ng entrada ng pook-dalanginan nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Jihoon.

“Jihoon.”

“Ikaw nagsabi na lalayo ka muna diba?” Nagpupumilit pang kalagan ang pagkakahawak ni Seungcheol pero sa lakas niyang taglay, wala siyang panama.

“Hindi kita matiis, lalo na't di ka okay. Anong nangyari?”

A heavy exhale. Tutal malayo nanaman pagmumulan ng pari, might as well. Walang mapagbubuntungan, kaya nagsalaysay na siya ukol sa mga naganap sa nakalipas na oras. Patango-tango lang si Seungcheol.

“Hindi ba niya nakwento sa'yo?”

“Tinanong ko na siya pero yun sagot nya, so hindi ko na inimpose.”

“Oh, so it must have hurted real bad.”

“Ang alin?” napatingin sya sa bestfriend, amidst what has transpired.

“Palibhasa kasi section 1 ka kaya di ka aware sa mga ganap sa batch mo, o kahit kakilala sa ibang section.”

“Kasalanan ko bang alipin ako ng mga pangarap ko? Sasabihin mo ba o hindi?”

“Eto na nga. Wala ako sa posisyon para ikwento yung nakarating sa batch namin kahit graduate na. Alam mo yung usap-usapan na may dark horse daw sa batch nyo?”

“Oo. Mukhang pabaya daw pero tahimik kung gumalaw.”

“Si... Si Soonyoung yun.”

“Ano?” napabulalas siya sa narinig.

“Nung mga unang taon nyo, hindi pa siya ganung ka-ano sa pag-aaral. As in tinutulugan yung ibang subject. Pero dumating yung point na napagod na siya sa lagay niya kaya nagsikap. Nagbago. Nung fourth year...”

Ang mga tabing ay naaalis na. Sumisilip na ang katotohanang nakukubli, bagamat hindi kumpleto, pero sapat upang bigyan ng ideya sa likod ng isang Kwon Soonyoung.

”... Nung 4th year na kayo, natutulog pa rin siya habang may klase. Pero not because he doesn't like the subject, the teacher, or both. Dahil aral na nya ang mga lessons beforehand. Hindi siya nagtatanong sa mga teacher, pero pagdating ng quizzes, ng exam, nagugulat sila na pang-section 1 na siya pero bakit ngayon lang.”

“Ji.”

“Hmm?”

“At this point, hindi ko na itutuloy. Yung kwento.”

“Okay lang, hindi ko hiningi yung kwento pero binigay mo parin. I understand na....”

“No, not like that. What happened next... is not up for me to tell anymore. Alam mo naman ang nangyayari pag mga ganitong kwento. Omit and add pag napapasa sa iba.”

“I get it.”

“The bottomline is, walang kwenta yung ilang faculty members ng high school natin.”

“Hear, hear. Salamat, Seungcheol.”

Tumayo na sila at lumakad pabalik sa simbahan.

“Seungcheol?”

“Tatanong mo kung okay lang pag-usapan si Soonyoung. Sige, aaminin ko, hindi pa. Pero the fact you are getting sad because of doing that means you really care for him. At the end of the day, bestfriend pa rin kita. I still care. We still care for you, Ji.”

“Any advice? Alam mong ngayon lang ako pumasok sa ganto.”

“Sa ngayon? Wala ka pang magagawa. You just have to let it be. Pareho kayong upset. Walang maaayos pag ganyan. Pero if hindi kaya ng konsensiya mo yung inability to do something, edi ipagpray mo sa Kanya.”

Ang tingin ni Seungcheol ay napako sa Hesukristo nakapako sa krus. Jihoon's vision followed through.

“Paghilumin mo si Kwon Soonyoung, Lord.”

Kabanata 7: Veintiuno #SoonHoonSimbangGabiAU


“Umiinom ka?” Soonyoung exclaimed.

Dinig ang boses mula sa kinatatayuan niya mga sampung metro mula sa dalawang magkasabay umuwi.

Hindi rin niya alam kung anong nag-udyok sa mga paa nya para sundan sila Jihoon pero wala nang oras para sa second thought.

Ang pagkutitap ng mga Christmas lights ay sapat upang magkaroon ng isang romantikong eksena. Tumalikod na siya at tinapik ang sariling pisngi.

“Seungcheol, umayos ka.”


“Seungcheol, okay ka lang?”

Nag-aalala si Hansol sa kuya nilang walang imik, walang sagot. Nasa malayo ang tingin.

“Ah, oo naman.”

Pinaligiran nila ang kariton ng fishball. Si Kim Mingyu kasi, naglihi nang wala sa oras. Sa huli siya ang magbabayad sa dami ng tinusok ng mga kasama nya.

“Hindi daw makakapunta si Jihoon, wala daw tatao sa bahay kaya di sya makakaalis.” balita ni Mingyu.

“Eh kung puntahan natin si Jihoon sa bahay?” suhestiyon ni Hansol.

“Wag na.”

Ikinagulat ng tatlo ang sagot.

“Nakakahiya kay Tita Lee saka baka may ginagawa yung isa.” pagsubo nya ng kikiam.

“Hindi ka marunong magsinungaling, Choi Seungcheol.” the elephant is addressed by Mingyu.

“Hoy, diba wag akong tatawagin ng buo? Ang tanda pakinggan.”

“Dahil nanaman kay Jihoon? Anong problema. Kanina ka pa tahimik.” pekeng gulat ni Hansol.

Sasabog na ang puso ni Seungcheol. Hindi na maari pang pigilan.

“Na... nakita ko si Jihoon. Hinatid sya ni Soonyoung kagabi.”

“Oh dang. I still wonder, bakit hindi ka pa umaamin kay Jihoon?” Junhui threw the first one.

“Kasi natatakot ako, okay? Natatakot ako na baka masira yung pinagsamahan namin dahil sa putanginang feelings na to.”

“Kuya, hindi kailangang pagtaasan ng boses.” Hansol mediated.

“I know. I'm sorry. Nakaka-frustrate lang sa part ko.”

“Mawalang-galang pero this is your fault. Look where complacency got you. Not that far.”

“I don't know the right words to say.”

“Look.” Mingyu took him by the shoulders and shook him a bit to wake his senses up.

“If you want something to happen, ikaw ang gagawa nyan. Nagsimba ka ba kagabi at di ka nakinig sa sermon?”

“Bars.” commented Junhui.

“Ikaw ang pipili ng daang tatahakin mo, hindi ang universe. Kaya suck it up and tell him what you really feel.”

“Pero pano kung?”

“Advanced ka naman mag-isip. Kung hindi para sa'yo then it is what it is. Painful, oo. Pero ikaw si Choi Seungcheol...” sumama bigla tingin ng kausap ni Mingyu.

”... I mean, Seungcheol. Ilang tao na binugbog mo para sa kanya tapos ngayon ka pa titiklop kapag usapang soft hours na?”

“Gago.”

“Pero gets mo naman point nya diba? There is harm in trying, but no change is no change.”

“Yeah yeah.”

“Kaya kunin mo na yang cellphone mo at itext mo na.”

Empowered na si Seungcheol, thanks to his friends.

“Ji, pwede ba tayong magkita sa plaza? Hahaha” he typed.

The “Active Now” status is killing him. Finally the tiny chat head moved down to his message. Seen. Typing.

“Oo naman hahaha” “What time?”

Dinig ang cheer ng mga katabi nya.

“How about 5?”

He locked his screen and looked away.

“Hala, kabado ka boy?” singit ni Hansol.

The ding was heard.

“Sure.”

It's going down tonight. Walang atrasan. Mahabag nawa kay Seungcheol ang sansinukob.

Ang araw ay lumubog na pero buhay pa rin ang plaza. Masaya, makulay, bumalik ang diwa ng Pasko matapos ang dilim ng pandemya; diwang kinagisnan ng lahat.

Seungcheol sat at the available bench, watching people make the most of the Christmas spirit. The decor and the people thriving in the joy that emanates from the lights and lanterns. His legs bounce in anxiety. The day of reckoning for his feeble heart that longs to love and be loved.

He waits for him. The one who believed in him when no one did. The one whom he treasured so much. Lee Jihoon.

“Sorry, Seungcheol. Pinaghintay ba kita?”

He came. He arrived in his typical casual clothes. He doesn't have a knack in showcasing individuality like his groupmate Xu Minghao does. Comfort above all else.

“Di naman. I was watching strangers enjoy the festive season.”

Naupo na rin si Jihoon sa tabi nya. Pinanood na rin nya ang mga magkasintahan. Mga magkaibigan. Mga mapag-isang sasalubungin ang Kapaskuhan. Mga batang nakawala sa hawla kung sagad-sagarin ang laro.

“Do you still feel the Holidays? Parang you can bask in the merry and jolly nang walang aalalahanin?”

“Honestly, no. Not anymore.”

“Do you miss it? Yung bliss ng Pasko? I remember halos awayin na tayo ng nanay ni Mingyu kasi ayaw pa nya umuwi?”

The laughs did lift the mood a little bit.

“Oo, naliligo na sa pawis saka amoy lupa na si Mingyu pero ayaw pa nya umuwi. Ilang araw din nating di nakasama si Mingyu.”

“Grabe no? Why did we have to grow up so soon?” the sentimental tone returned.

“It was the right thing to do, sadly.”

“I wish we could just live our days like that.” Choi Seungcheol looked back to the strangers living like there's no tomorrow.

“Yeah. Same.” Jihoon did as well.

The tone was set. The stars shine ever more brightly. It's the moment years in the making.

“Jihoon.”

He looked at him. He took one of Jihoon's hand and held it dearly.

“I remember the day when I first met you. You were reading your notes sa sulok. I approached you at nagpakilala. I remember the first time I made you laugh, na hinahabol mo na hininga mo kakatawa. I remember the first time I saw you cry, at tangina I can't even take it. Because you don't deserve the sadness.”

“Cheol.” Bumalik na rin ang tingin ni Jihoon sa kanya.

“Jihoon. At first, I just want to get close to you. But nung mga sumunod na araw, na naging linggo, na naging buwan at taon. Tapos yung shared childhood natin dito sa San Antonio. But when I saw Henry being an asshole to you, I don't know what to feel, what came to my head. Then I realized.”

Seungcheol took his hands and clasped them on Jihoon's. He is already welling up and Jihoon is sensing where this is leading.

“You've become so precious to me that I cannot even think of being far from you. Ngiti mo ang lakas at kahinaan ko. Sabi ko sa sarili ko, 'Sasamahan ko si Jihoon.'”

Namumugto na rin ang mga mata ni Jihoon. May mga crack na sa boses ni Seungcheol dahil bumubukas na ang baul ng mga lihim na nadarama.

“Jihoon, gusto kita. Gustong gusto kita. Nakakabaliw na pero mahal na mahal kita. Kahit malayo yung university, gustong gusto kitang puntahan. I-PM para kamustahin. Proud na proud ako sa'yo sa layo ng narating mo.”

Binawi ni Lee Jihoon ang isa pang kamay upang punasan ang luha. Bumitaw na rin si Seungcheol upang punasan ang kanya na tumulo na sa kanyang pisngi.

“Seungcheol.”

“Hindi na ba pwede? May mali ba sakin?” may tunog ng pagmamakaawa.

“I knew.”

Dalawang salita. Limang letra. Nag-uumapaw sa semantika.

Huminto ang kanilang mundo. Para kay Jihoon, kinakatakutan nya ang pagkakataong iniwasan nya.

“A...ano?” Natigilan sa pag-iyak si Seungcheol.

“Alam ko.” Hinawakan ni Jihoon ang pisngi ni Seungcheol at pinunasan ang luhang natira gamit ang hinlalaki. Dinadama ni Seungcheol ang pagkakataong ito, ang paghawak sa kanyang mukha. Ang init na nagmumula sa palad ni Jihoon.

Hirap makabuo ng konkretong pangungusap ang kanyang isip matapos malaman.

“Kailan pa?”

“Nung high school. Pagkabalik mo, sa akin ka lang sumama. At first, I didn't give meaning. Pero nung Prom. Nung sinasayaw ko yung ibang kaklase natin. Nakita ko di ka tumitingin.” Tumayo sya at inalok ang isang palad. Hindi alam ni Seungcheol ang gagawin kaya sinundan na lang nya. Isinuot ni Jihoon ang isang tainga ng kanyang wireless earphones. Ang isa pa sa tainga ni Seungcheol. Jihoon just clicked shuffle and fuck whatever the algorithm chooses.

He wraps his arms around Seungcheol's waist, the latter hitches. Para kay Choi Seungcheol, ito ang kanyang pangarap habang buhay; ngunit sabi ng tadhana, sukdulan na ito ng katuparan ng nasabing pangarap.

And let the algorithm be damned.

Almost Is Never Enough Ariana Grande, Nathan Skyes

“Tangina.” napabulalas si Jihoon.

“This is fine.” Seungcheol does wrap his arms around Jihoon's shoulders. Jihoon leads the sway. The Prom Dance that Seungcheol dreamt of.

“Jihoon?” malumanay nyang pagtawag.

“When did it stop? Kailan ka tumigil?”

Inalala ni Jihoon ang eksatong panahon.

“Pinangako ko kasi sa pagpasok ng college, ako na lalayo. Alam mong hindi papayag si Mama doon unless I insist.”

“And you did. Ako na lang pala naiwan.”

“Sorry, Cheol. I didn't mean it. I...”

“Wag kang mag-apologize. Wala kang kasalanan.”

“Salamat, Seungcheol. You didn't really have to do all those things for me.”

“I wanted to, Ji.”

“I didn't think I deserve everything you did for me. Sinabi ko sa sarili ko, Seungcheol deserves someone better.”

The chorus summarized everything between Lee Jihoon and Choi Seungcheol. Muntik nang malahad na iisa lamang pala sila ng nadarama sa isa't isa. Walang ibang sisisihin kundi ang takot na pinaghari nila sa kanilang mga kalooban. Panghihinayang across the years.

“What now?”

“Ilang taon din yung feelings na to. Will you understand if I keep distance for the meantime?” tanong ng mas matanda.

Bumitaw na rin si Jihoon at umatras. Nagwika ang kilos.

“Salamat Jihoon. For the slow dance. I wished for this but not in this context.”

“Cheol, I don't want to end this friendship.”

“Me too. I... I just need time to breathe. Now go. Mauna ka na.”

“Pano ka?”

“Hindi ko muna kukumpletuhin ang Simbang Gabi this year.”

Hindi “paalam” ang salitang dapat sambitin, kaya tumalikod na si Jihoon. Ilang hakbang.

“Jihoon.”

Huminto siya.

“Mahal mo na ba sya?”

Panghalip na mas maliwanag pa sa sikat ng araw. Kanya bang sasagutin? Haharapin ang bestfriend niyang minahal? Past tense.

“I hope you will be happy with him, Ji.”

Lumakad na palayo si Jihoon. Nang pagliko nya, ang mga hakbang ay lumalaki at bumibilis; hanggang sa naging takbo na.

He prays to God that speed would delay the tears and to some extent distract his heart from feeling emotion with physical activity. Nalimot ata ni Jihoon na kawing ang katawan at damdamin. Iniinda ng katawan ang nilalaman ng puso.

Nakabunggo na siya sa hindi pagpansin sa mga nakakasalubong.

“Sorry.”

Dapat tutuloy na siya ngunit niyakap sya nito. Tumingala siya upang tignan.

“Ji, okay ka lang?”

Hindi na naawat ang pagluha. Ang paghikbi.

“Ji?”

Ang mga tuhod ni Jihoon ay tila nawalan ng lakas. Kundi sa yakap ni Soonyoung ay nagalusan na ang binti nito sa pagsalampak sa daan. Buti na lang at nakapantalon siya nang lumuhod at hinigpitan ang yakap.

Walang tao. Kaya malayang mailalabas ang salop ng emosyong umaapaw.

“Ji, sige iiyak mo lang.”

Hinahagod ni Soonyoung ang likod ni Jihoon, inuubos ang lungkot hanggang sa mapagod na ito.

“Sa tunog ng hagulgol mo, parang pagod ka na.”

Ang ilang taong pagkikimkim ng saloobin.

Ang tunog ng kampana ay dinig na. Naging hudyat ito upang kunin ang panyong ngayon lang magagamit.

“Ji, hatid na muna kita sa inyo. Hirap ka.”

“Di. Okay na ko.” nahimasmasan na siya.

“No, you're not.”

“Okay lang talaga ako.”

Hindi magpapatalo si Jihoon. Soonyoung crouched his knees and tapped his shoulders.

“Then don't waste anymore energy.”

Isang minuto na syang nag-aantay ng taong papasanin niya sana pero wala pa rin, kaya kinuha na nito ang dalawang kamay at binalot sa kanyang balikat. Matapos, kinuha nya ang hita nito at inangat na si Jihoon. Humigpit na ang kapit ni Jihoon.

“Gusto mo talagang kumpletuhin ito ano?”

Lumakad na si Soonyoung papunta sa simbahan.

“Hindi ka magtatanong, Kwon?”

“No. Makikinig naman ako pag sinimulan ko, pero di kita pinipilit. Basta alam kong may dinamdam ka, kaya sasamahan lang kita.”

Jihoon snug into Soonyoung neck as they make their way to the seventh day.

Kabanata 6: Veinte #SoonHoonSimbangGabiAU


Sumisilip na ang araw sa bintana ng kwarto ni Soonyoung. Ang Amihan ay malayang pumapasok at nagbibigay ng lamig, ang simoy na naglalarawan, nagpapahiwatig ng Kapaskuhan. Dumadapi sa mga pisngi at mata ang sinag ng araw, sapat upang unti-unting imulat ang mata.

Kahit ang bakas ng laway na tumulo ay tanaw, hindi maikakaila ang aliwalas ng ngiti ni Soonyoung. Ngunit naglaho ang mga sinag, at dumilim ang paligid. Napasimangot ang binata hanggang sa idilat nitong buo at makita.

“Napaginipan mo siya, ano?”

Bumangon na si Kwon Soonyoung at sumandal sa higaan. Binura na nya muna ang mga mutang namuo sa gilid ng mata.

“Maganda gising mo, Soonyoung.”

“Guilty as charged.” naghikab pa nga.

“Teka, paano ka nakapasok?”

“Diba nasakin yung extrang susi mo? Thought I'd check on you.”

“Sweet mo sakin, Won.”

“Hindi ako may idea nito. Yung dadating na may dala ng lugaw.”

“That would be me.” sumilip ni Chan at Seokmin na may bitbit ng kanilang almusal.

“Grabe, Lee Chan. Naiiyak ako.” nagdramang aywan si Kwon.

“Gago, antayin na natin si Seungkwan.”

Lumabas na ang magbestfriend upang maghain.

“Tagal na nating hindi nagkakasabay sa agahan, ah.” banggit ni Soonyoung na naupo na sa