carat-engr

SoonHoonSimbangGabiAU

Kabanata 1 – Quince #SoonHoonSimbangGabiAU


“Merry Christmas, students! Eto regalo ko sa inyo this Christmas. Dagdag trabaho!”

Ganito sinimulan ni Yoon Jeonghan ang kanilang meeting para sa paper nila due first Monday after New Year.

Sa pagdaing.

Sa bagay, sino bang dapat matuwa na yung ilang linggong pahinga ay mapupurnada pa dahil sa isang group work.

“Pag-uusapan ba natin to o ano?” iniangat ni Jihoon ang pangalawang bag na bitbit niya. Pahiwatig na sa kanilang bahay niya sasalubungin ang Pasko't Bagong Taon. Nakakasawa na rin sa dorm na siyang saksi sa bawat luha at pawis niya sa pagsusunog ng kilay.

“Eto na nga. Wala pa tayong masisimulan kasi di naman natin dama yung Pasko. Yung central theme ng paper natin.”

Yep, they were tasked to contemplate the Filipino Holiday Season sa lente ng agham panlipunan.

“You're onto something, Han. Remember qualitative research? I do think we don't have enough materials online. We really have to immerse ourselves into the holiday spirit.” ipinunto ni Hong Jisoo.

“So we have our experiences and observations as our data?” ani Jihoon.

“Exactly. It's a great starting point.”

“Kasi to be honest, college made us detach from Christmas. Tambak pagawa.” reklamo ni Xu Minghao.

“So touching on ethnography yung paper natin.”

“Yeah.” Jeonghan looks at his watch. Accounting the hell of a traffic sa metro, it's time to adjourn. “Ganito, we really have to go dahil going rush hour na. Madami pang bitbit si Jihoon.”

Thanks for the concern, ha.

“Bukas, group call tayo para ituloy. Baka may madaanan kayo diyan. Diba dadaan ka sa Ayala Ave, Jisoo? For sure maliwanag na dun baka you can draw something from there.”

Sabay sabay na silang bumaba ng hagdanan. Jeonghan took his carkeys and pressed it. Two beeps were heard.

“Ikaw, Jihoon. Sabay ka na sakin?”

“Di na, Han. Thank you.”

“You, sure?” paniguardo ng kanilang leader.

“Yup. Kayo ba, Hao?”

“Bukas pa ko uuwi. Magiimpake muna ko.”

“Sige na, ingat sa pag-uwi, Ji, Han.”

Nagpaalam na si Jisoo. Sabay na silang babalik ng dorm upang palipasin ang mapulang liwanag at mausok na paligid ng daang tatahakin nila pabalik ng kani-kanilang tahanan. Pinauna na ni Jihoon umalis ang sasakyan ni Jeonghan bago pumara ng isang jeep.

Kalahati na lamang ng kanyang puwitan ang nakaupo, ngunit para sa maagang uwi ay kanyang titiisin ito, kasabay ng dumadagundong na speaker sa ilalim ng upuan. Laban na laban ang bass ni Manong Driver. “Ma, isang San Antonio, estudyante ho!”

Oo, kailangang higitan yung lakas ng remix na tugtog ni Kuya. Bagama't may mga issue patungkol sa kaniyang pagyaman bilang haciendero, hindi maikaila ang marka ni Jose Mari Chan sa panahong ito tuwing Disyembre. Musika niya'y nagkalat sa bawat speaker, isang malinaw na hudyat ng paparating na Pasko.

Tinanaw ni Jihoon ang isang jeep na pinasok ng mga katutubo at batang nanlilimos at naghahandog ng awitin.

“Society has to change. Style of governance has to change. It has to work for the indigenous and the children, too. Walang iiwan. ” Jihoon thought.

Matapos ang bakbakan sa traffic, nilakad na ni Jihoon ang kantong kinalakihan nya. Doon pa lang niya natanto na Pasko na nga. Pasko nanaman. O 'kay tulin ng araw.

Mga posteng sinabitan ng parol, may isang bahay na tinatalo ang liwanag ng bituing Sirius. Limot na nga ni Jihoon ang mga damdaming taglay ng Pasko. Mula Setyembre hanggang Enero, hindi matinag-tinag ang pagdiriwang.

He continues to enjoy the simple, colorful sight sa kanilang kanto, nang may umakbay sa kanya. The fight or flight response is awakened. Or so he thought nang tignan niya kung sino.

“Tagal na nating di nagkita, Jihoon ah?”

“Sorry, busy sa college.”

Mula ulo hanggang paa tinignan niya ang bestfriend. “Mukhang pinababayaan mo nanaman sarili mo.”

Bago pa man makasagot ay kaagad na dumating ang dalawa pa niyang kababata. Si Mingyu at si Hansol. Inoffer ni Hansol ang bukas na Piattos na pula. Sa gutom ay kumuha na siya ng ilang piraso.

“Buti naman na nakawala ka na sa pag-aaral ngayong Pasko. Kala namin magkukulong ka lang sa dorm eh.”

“Sa totoo lang, si Ma'am Domingo eh, yung prof namin...”

”...May iniwang pagawa? Give yourself a break, Ji. You've earned it.” Hansol vouched.

Tuloy sila sa paglakad. Kasama ni Jihoon pauwi ng bahay nila.

“How about sumama ka samin mamaya sa Simbang Gabi?” ideya ni Mingyu.

“Oo nga, for old time's sake.” paggulat ni Jun mula sa likod nila.

Ah, sariwa pa ang gunita ng kanilang kabataan. Sabay-sabay silang dadalo at kukumpleto ng siyam na araw ng pagsisimba. December 15 na pala ngayon. Unang araw ng misa sa kanilang baranggay.

“Ano kasi eh...”

“Ganito.” ani Seungcheol. “Ipagpapaalam kita kay Auntie Lee.”

Patay. Wala siyang kawala, knowing her mother is a lector. A devout Catholic that never misses the Baclaran Wednesdays and Quiapo Fridays.

But he had to look into the bright side, and the parol hanging sa bintana nila. “Hindi maitatanggi ang relihiyosong aspeto nito, so might as well start from there.” he thought.

“Makakahindi ba ko? Hawak nyo na ko sa balikat eh.”

Kinatok ni Mingyu ang pinto and binuksan ng ina ni Jihoon ang pinto. Naunang magmano si Jihoon na sinundan ng mga kaibigan niya.

“Parang nung mga bata pa lang kayo ah. Ngayon ang tatangkad nyo na!”

Bahay na rin ang turing nila sa bahay ni Jihoon. Inasikaso muna ni Auntie Ji ang mga kaibigan at pumanik na ng kanyang silid si Lee Jihoon.

He cannot lie to himself. He missed the bed. The study table. The view from his window. Namiss niya lahat ng ito. Yung mga panahong simple lang ang buhay. Yung walang iniintindi kundi kung anong kakainin sa hapunan. Mahirap maging isang adult. Isang strong independent adult.

Tunay ngang dumating na ang panahon ng Kapaskuhan. Dahil maririnig mula sa kanyang kwarto ang tunog ng mga tansan na kumakalansing at matinis na boses ng mga bata, ngunit kakaiba ang grupong ito ng mga namamasko dahil may isang matandang kasama at tinatalbugan pa ang lakas ng boses ng mga bata.

Sa saliw ng Jingle Bells at Noche Buena, unti-unti nang nararamdaman ni Jihoon ang Pasko, sapat lang upang magkaroon ng kaunting ideya kung paano makakatulong sa take-home paper nila.

-break-

Tinanaw muna ni Kwon Soonyoung ang bintana ng mga Lee. Ang kanilang huling bahay na pinuntahan upang magcaroling.

May tao?

Di niya maaninag. Tinatawag na siya ng mga batang kasama nya. “Kuya Kwon!”

“Oh ayan, kayo na lang ang maghati-hati diyan.” inabot ni Soonyoung ang ilang perang papel at mga baryang naipon nila ngayong gabi.

“Kuya, baka gusto mo ng Coke Mismo? O kahit Ice tubig man lang.” alok ng mga bata.

Tapos na sila sa kanilang raket ngayong gabi. At hindi matatanggihan ni Soonyoung ang mga bata kaya sinamahan at tinulungan nya ang mga ito.

“Hindi na, pinaghirapan nyo yan kaya sa inyo na yan. Saka busog pa ko. Sige na, uwi na ha?” habilin ni Soonyoung sa mga bata. Isang gulo muna sa buhok ng isang bata.

“Salamat kuya Kwon!” takbuhan na ang mga bata. “Hoy, wag kayong magtakbuhan!” sigaw nito sabay bungisngis. Naalala niya na ganyan din pala sya dati.

Ngunit ang balik-tanaw ay kailangan munang putulin. Ilang kanto na rin ang narating nila, malayo na sa tinitirhan niyang apartment. Sa kanyang paglalakad ay nagvibrate ang cellphone nya.

“Tanga-tanga naiwang bukas yung data.” sumbat nya sa sarili nyang nakalimot. Nadala ng caroling.

Sunod-sunod ang pasok ng messages mula sa GC. Hinahanap na pala sya.

Seungkwan “@Kwon Soonyoung pakigalaw ang baso”

Chan “Pupunta ka diba? Unang gabi ngayon, kuya”

“Oo, kuha lang ako jacket hahaha”

Wonwoo “Pinagtabi ka na namin ng silya, Kwon.”

“Bakit? hahahaha ang aga pa.”

Wonwoo “Tanga anong oras na kinse minutos na lang simula na”

Tinignan nya ang kanyang relo.

“Tangina!”

Karipas ng takbo si Kwon Soonyoung pauwi ng kanyang apartment. If there's anything, he does not want to mess up sa unang gabi. Every year, hindi magawang makumpleto ni Kwon ang siyam na araw. Minsan overtime, minsan nakakaligtaan.

Not this year.

Dali-daling binunot ni Kwon sa bulsa nya ang susi. Kinuha lang ang jacket at di sadyang padabog na nilock at sinara ang pinto. Tinakbo nya ang daang metrong layo ng bahay niya sa kanilang kapilya. Tanaw naman na sa layo ito dahil sa liwanag ng nga christmas light at mga banderitas mula sa nagdaang fiesta.

Nang marating, agad na hinanap ng kanyang matang singkit ang mga kaibigan nya. May kumakaway. Sa gitna ng taimtim na paghihintay ay naroon ang pagtawag ni Seokmin. At may pwesto ngang itinabi para kanya. Tahimik na lumakad sa gilid si Soonyoung. Umusod naman ang mga kaibigan.

“Natagalan ka nanaman ata, Kwon. Hulaan ko.”

“Oo, Wonwoo.” wala siyang panabla.

“Naabot na nga nila yung dulo ng baranggay. Baka naman career-in mo na tong pamamasko ha?” Seungkwan added.

“Para naman sa mga bata kasi yun. Saka sakto wala akong raket ngayon. Sumama rin kayo sakin minsan?”

“Sige, Soonyoung next time, sama ako sa'yo.” pangako ni Seokmin.

Kwon Soonyoung was fidgeting with his fingers when some presence bumped the end of the narra bench they're sitting on. Sinilip nya ang nasabing presensya. Isang lalaki ang nakabunggo. Mas malapad mga balikat nito pero lamang sya ng ilang pulgada sa tangkad, ngunit pag usapang kutis talo na sya sa kinis nito; nakadagdag pa sa ilusyon ang kaputian niya. Humingi ito ng paumanhin.

Isang kawalo lang ng segundo nagtagpo ang kanilang mata bago ito maupo dalawang bangko sa harap nila.

“Huy, umuwi pala siya ngayong Pasko.”

“Chan, kilala mo? Sino sya? Sino yun-”

Naputol na ang usapan. Pumapasok na ang mga sakristan. Umaawit na ang choir.

-break-

Walang paligoy-ligoy ang sermon kaya maayos na naidaos ang unang araw. Palagi namang ganito pag sa simula, puno hanggang labas. Ang attendance dito ay parang parabola, sa una mataas tapos bababa kalagitnaan tapos tataas pag malapit na yung ika-siyam.

Dagsa ang taong lumapit sa center aisle upang magpabasbas. Nahagip ng kanyang mata ang jacket na nakabalumbon sa upuan, dalawang row mula sa likod nila.

Kinuha niya ito at tumakbo papalabas ng simbahan. Hinanap niya ang may-ari nito.

Sa gilid niya natagpuan ang may-aring naka-tank top. Kailangan nga talaga nya ng jacket. Lumapit siya rito.

“Excuse me. Sa'yo to diba?”

Tumalikod ito at bakas ang tuwa niya.

“Yan pa talaga iiwan mo ha?”

“Alam mo Seungkwan, shut up ka na lang.” pagsaway ni Chan.

“Salamat ah. Anong pangalan mo?” tanong ni Kwon. He lifted his hand, awaiting a reciprocation of a firm grasp.

“Jihoon. I'm Jihoon.” binalik naman niya ang handshake.

“Ako si Soonyoung. Nice to meet you.”

“Yung mga kaibigan mo iniwan ka na.”

Tumalikod ito at tama nga si Jihoon. Malayo na nilakad ng apat niyang kasama. Oo, pati ang bestfriend niyang si Wonwoo, nahatak sa kalokohan ng tatlo.

“Ay, Jihoon salamat talaga! Sige, mauna na ko.”

Tumango na lamang ito. Hudyat upang habulin ni Kwon Soonyoung ang kanyang mga kasama. “Hoy, intayin nyo ko!”

Jihoon just stood there for a while. Watching the chaos ensued by Soonyoungs' friends, his lips slightly tugging a smile.

There's something about tonight's encounter that felt a little less cold than usual.

“Probably climate change.”