Kabanata 5: Diecinueve #SoonHoonSimbangGabiAU


“Okay na ba tong suot ko?”

“Grabe naman Soonyoung? Masyado mo namang pinaghahandaan.” ani Seokmin

“Date nyo? Date nyo?” pag-uulit ni Seungkwan.

“Shhh, let Soonyoung make landi naman.” wika ni Wonwoo.

Si Soonyoung na ang kadalasan nilang paksa. Masasaksihan nila sa unang pagkakataon ang paggalaw ni Soonyoung at mukhang maayos naman ang pagtanggap nila sa oryentasyong sekswal ni Soonyoung.

Matapos namang suportahan ng Santo Papa ang sibil na pag-iisang dibdib ng mga magkatulad na kasarian at pagusbong ng mga personalidad at samahang kaalyado at kabahagi ng komunidad ng LGBTQ+, maging ang mga palabas na sumasalamin sa mga kwento ng komunidad, ang diskurso sa pagtanggap ng lipunan ay sumusulong.

Oo, may mga balakid pa gaya ng mga maling pagkakaunawa, ngunit sa patuloy na pagtatama at pagbibigay linaw sa pagkakaiba ng bawat letra ng akronim at mga diskriminasyong dinadanas mula sa pamilya hanggang sa lipunan, magpapanibagong-anyo ang lipunan sa hinaharap.

“Remind me again bakit kailangan nating sumama?” pinagtataka ni Chan na parang giyera mundyal ang kanilang sasabakan.

“Moral support. Kaibigan natin tong lalantod, huy.” sagot ni Seungkwan.

“Fair point.”

Nang marating na nila ang gate ng tahanan ng mga Lee, iniwan na nila si Soonyoung at lumayo ng mga ilang bahay ang kanyang mga kaibigan. Pumasok na siya ng gate.

Sa paglakad niya, ano bang dapat ika-kaba ni Soonyoung?

Tatlong katok sa pintuan.

Pinagbuksan sya ni Gng. Lee.

“O, Soonyoung, naparito ka? May kailangan ka ba, nak?”

“Good morning po.” nagmano siya. “Si Jihoon po nagpapatulong dun sa paper nya.”

“Ah, sige pasok ka na. Nandun sya sa sala.”

Pinapasok na siya ng ina ni Jihoon. Isang talikod muna sa mga kaibigan. They are cheering silently from behind. Nag-sign of the cross pa nga si Seokmin.

Here goes nothing. Hinubad na nya ang tsinelas nya at tumuloy na sa sala. Dinatnan niya si Jihoon na nakasalampak sa sahig, kahit na nasa likuran niya ang sofa na kanyang sinasandalan.

“Ji, andito na si Soonyoung. Pag may kailangan kayo tawagin nyo lang ako ah. Itutuloy ko lang tong pinapanood ko.”

“Sige na, Ma. Tapusin mo na yang pinapanood mo.”

Naupo na nga si Soonyoung sa lapag.

“What's Wrong With Secretary Kim. Hayok na sya kay Park Seo Joon.”

Nangisi si Soonyoung sa idea na nahuhumaling si Tita Lee sa mga Koreano. Napansin ito ni Jihoon.

“May kailangan ka pa ba?”

“Wala naman, kaka-almusal ko lang.”

“Bakit bihis ka ata?” nalingat ng tingin si Jihoon, mula sa laptop papunta sa isang mukhang bagong t-shirt at maong na shorts.

“Ah, ito? Sayang naman kung di masusuot. Saka nakakahiya naman sa inyo ni Tita.”

This time, si Lee Jihoon naman ang nangiti.

“Wala kang matatapos nyan kung huhuntahin mo lang ako.”

“Right. So yeah. If you were asked bakit September nagsisimula ang pasko satin, what would you answer?”

“Hmm. You want an answer na ibang iba? Many would think, oo, kapitalismo ang nag-uudyok sa mga tao upang i-immerse ang mga sarili sa spirit ng Pasko. True?”

Sinisimulan na ni Jihoon ang pagtatype. Sa bawat pagpindot ng key sa keyboard, ay kanyang pinaparaphrase ang sinasabi ni Soonyoung into a single language.

“True.” he replied.

“Pero does that mean na sila nagpasimula noon? Diba ganyan naman ang siste ng capitalism, ang sabayan ang pulso ng madla? Kung anong uso, yun ang inaabuso?”

“Where are you leading into, Soonyoung?”

“Dahil we love to celebrate. Bawat birthday, kasal, maging mga achievement.” tinuro ni Soonyoung ang sandamakmak na medal ni Lee Jihoon na wala nang malugaran sa pader.

“Yun lang?”

“You think tapos na ko?” parang isang excited na bata kung magpaliwanag si Kwon Soonyoung. “Hindi tatanggapin yan kung ganyang kababaw yung sagot mo.”

Nagtuloy na ulit sya. “We can celebrate on any time of the year pero bakit espesyal ang Pasko at ganun na lang ang celebration? Balik tayo bago nagkaroon ng kahulugang Kristiyano. Noong panahon bago tayo sakupin, diba anihan ay kadalasan tuwing October at November.”

“Eh diba tinugma ng mga prayle ang Kristiyanismo sa mga paniniwala ng tao bago sila dumating. So lumalabas yung magandang ani ay isang blessing sa pagdating ni Jesus?”

“Nakuha mo Jihoon!” Sa di maipaliwanag na lukso ng dugo ay napayakap ng mahigpit si Soonyoung, walang nasabi si Jihoon. Kaagad din namang pinakawalan. He cleared his throat before proceeding.

“Ganito tayong mga Pilipino sa ngayon. Maaga ang countdown, ang decoration, ang patugtog, kasi we anticipate yung Christmas. Pero noong unang panahon, we anticipate yung ani matapos ang ilang buwang pagkayod.”

“Yung pirurutong na malagkit, alam mo yun? Yung orihinal na panggawa sa puto bumbong? Doon din inaani yun.” dagdag pa ni Soonyoung.

“Oo nga, ang galing mo, Soonyoung!”

“Nanalo ka ba sa lotto, Ji?” pag-antala ni Tita Lee. Mukhang napanood na nya ang kasal ng mga karakter ni Park Seo Joon and Park Min Young.

“Wala lang, Ma. May masusulat na rin ako.”

“Ipaghahanda ko na kayo ng merienda.”

Akmang tatayo na si Jihoon nang pigilan sya ni Soonyoung. “Ako na, Ji. Ituloy mo na yan.”

Siya namang sinunod ni Jihoon at binalik ang atensyon sa screen ng laptop. Hindi nagtagal ay binaba na ni Soonyoung ang fries at dalawang bote ng Coke Mismo.

Kanilang pinagsaluhan ang mga ito habang namamahinga. Jihoon figured that he still has no idea about the man beside him.

“Saan mo pala natutunan yun?”

“Ah, kwento lang sakin yun ng mga matatanda samin sa probinsya. Oo, relihiyosa sila pero di nila nilimot yung bersyon ng kwento.”

Oo, tatanggapin na ni Jihoon ang sagot ni Soonyoung pero hindi talaga mapalagay ang loob nya. The moment na napag-ugnay ni Kwon ang kasaysayan ng mga prayleng binubura ang anumang paniniwalang hindi Kristyano sa pagdiriwang ng Pasko, Jihoon was charmed at the very least.

“Kwon?”

“Tama ba yung mga naririnig ko?”

“Yung alin?” tuloy lang sa pagsubo ng fries.

“Na...”

“You can say it. Hindi naman ako madaling maooffend.”

“Hindi ka nagtuloy ng college?”

“Oo.”

“Bakit?”

Napaisip si Soonyoung. Dumadagundong muli ang mga salita na parang punyal na nakatarak sa pagkatao ni Soonyoung. The profanities from beings you'd least expect to hear from. The pain wants to take hold of his train of thought and his beating heart. But alas, his mind is barely keeping him from bursting into tears.

“It's okay, Soonyoung, kung hindi mo kayang sabihin sakin.”

“No, ayos lang. Let's just say na hindi ko afford magcollege since ako lang mag-isa bumubuhay sa sarili ko.”

This will be fine for Jihoon, kahit he wants to know more. He won't pry much on the raw truth. Little by little, he thought. The veil of mystery surrounding the man with him, making faces with the fries, will soon be lifted.

Tumuloy na siya sa pagsulat. Gabay-gabay ni Soonyoung sa mga salitang angkop ngunit nadala ng agos ng isip. Alas-singko ng hapon na.

The satisfaction stemming from the laptop being folded, after sending his first draft to his leader Jeonghan, makes Jihoon flash a tired smile.

“Salamat Soonyoung. Di ko to matatapos tong paper agad nang wala ka.”

“Wala yun.”

“Libre kita next time.”

To Soonyoung, the treat as payment for Jihoon's debt of gratitude seems like a door nearly closing. He has to take the opportunity.

“Wag na. Sumama ka na lang samin.”

“Saan mo naman ako dadalhin?” wari ni Jihoon.

“Mangangaroling tayo kasama ng mga bata.”

“Anlaki-laki na natin huy, nakakahiya.”

“So? May mga matatanda pa ring namamasko dahil sa pangangailangan nila. Walang pinipiling edad to. Lakas lang ng loob.”

Nagdadalawang-isip pa si Jihoon.

“Eh parang wala ka naman nun eh, knowing nung operation...”

“Gago, tara na.” Tumindig na sa kinauupuan at dali-daling sinuot ang tsinelas. “Hahabulin pa natin yung Simbang Gabi.”

Sumunod naman na si Soonyoung. Sabay na silang lumabas ng bahay at kinita ang mga batang sasamahan nila. Si Soonyoung ang kumakausap sa mga bata at ang tanging humuhunta kay Jihoon. Sa bawat bahay na kanilang hintuan para manapat, laking gulat ng mga makakita at ng ilang sisigaw ng “Patawad!”. Walang kasawa-sawang “Pasko na Naman” at “Sa May Bahay”.

“Jihoon, ikaw na ba yan?”

“Ah, opo.” siya namang nagmano.

Bumunot ang matandang lalaki sa kanyang bulsa at patagong inabot ang lukot na isandaang piso.

“Eto, pangload mo.”

“Ay, salamat po, tito.” pagngiti nya bilang pasalamat. Sinabayan naman ng mga bata ng “Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you!”

Tumutunog na ang kalembang sa paglayo nila sa bahay ng tito ni Jihoon. Oras na para hatiin ang napamaskuhan.

Huminto sila at binilang ni Soonyoung ang naipon nila. Sa kanyang pagkagitla ay isinama ni Jihoon ang bigay na lilang pera ng tito nya.

” Ji, huy. Bigay sayo yan ng tito mo. Para talaga yan sayo.”

“Bahagi na rin ng gawi siguro natin tuwing Pasko yung magbigay sa kapus-palad. Saka wala nang mararating yung limang pisong mapaghahatian nila.”

“Pero...”

“Minsan lang to sa isang taon diba? Saka I had fun living like we're still children.”

“Sigurado ka?” isa pang paglinaw ni Kwon.

“Bilisan mo na. Mawawalan na tayo ng pwesto nyan.”

At nagkasundo na silang isama sa hahatiin ang 100 pesos ni Jihoon bilang munting regalo sa mga bata. Ang limang piso ay natriple at nagkanya-kanya na ang mga bata.

Sabay na sina Lee Jihoon at Kwon Soonyoung na pumunta ng simbahang sinauna at sariwa. Oo, malayo na narating ng kanilang mga pinag-uusapan. Maging ang mga pagkakaiba ng kabataan ngayon sa kabataan nilang dalawa.

“Bakit ka nga pala sumasama sa mga bata tuwing mananapat?”

Ito ang tanong na sumagi kay Jihoon. Matapos ang mga acts of kindness ni Soonyoung para sa kapwa niya na nasaksihan ng dalawa nyang mata.

“Hindi ko rin alam. Masaya lang talaga ako kapag may bata pa akong nakikitang nagkakaroling.”

“Ang unfair mo, Soonyoung. Nung edad nila tayo, wala namang tumutulong sa atin.”

“Kasi maraming bata pa ang namamasko nung panahon natin. Eh ngayon? Let's say I'm helping kids today relive Christmas caroling.”

He is right though. With technology advancing faster than we expect, a lot of things are fading away from conscious thought, such as this bliss of playing on the side streets with kids from the other block you don't know.

Natanaw na nila ang simbahang wala nang mapwestuhan. Puno na ang mga silya at may iilang nasa gilid at sa pintuan na nakatayo.

“Wala nang pwesto, Ji.”

“No shit, Sherlock.”

Isang amba muna bago magsalita ulit.

“Okay lang bang nakatayo tayo dito?” tanong ni Soonyoung.

“Oo naman. Di ko na rin mahanap mga kaibigan ko so mukhang dito ko na tatapusin yung misa.”

Nag-umpisa na ang banal na Misa. Magkatabi silang nagtuloy sa bawat bahagi at liturhiya ng Misa. Magkasama nilang pinakinggan ang sermon. Magkasama silang umawit at langit para sa mga tainga ni Soonyoung ang malapitang marinig ang malambing na tinig ni Jihoon.

Nagwika ang pari. “Ngayon, sama-sama nating dasalin ang dasal na itinuro sa atin ng mahal na Panginoong Hesukristo.”

Ama Namin.

Ito na ang hudyat. Inangat na ni Soonyoung ang kanyang kamay upang hawakan ang kamay ni Jihoon. Gone are the days na physically distanced ang bawat church goer.

Kasabay ng pag-awit ang kawalan ng kasiguraduhan kung ayos lang ba kay Jihoon. Kanya munang pinagdampi ang mga daliri nila. Walang kibo. Kanyang hinawakan ang apat na daliri. Walang kibo.

Kung akala niya ay nakita na niya sa ibang lente ang kasama niya sa buong araw, nagkakamali sya. Nang dumating na ang linyang “Para nang pagpapatawad namin...” tiniklop na ni Jihoon ang kanyang mga daliri. His delicate fingers were able to wrap Soonyoung's, enclosing it with the tips touching his own palm. An affirmative.

Natapos ang kanta na buong puso silang umaawit. Mga mata'y nakapikit at dinadama ang presensya ng kabanalan. Sabay na rin silang pumila sa komunyon. Hindi iniwan ang isa't isa dahil hindi parin nila tanaw ang mga kaibigan.

Natapos ang ikalimang araw ng pagsisimbang gabi. Napangalahati na nila ang siyam na araw.

“Soonyoung.” tinawag ni Jihoon ang pansin.

“Bakit?” tumingin ito sa kanya. A moment sprung up between them. It's one of those looks that is reminiscent of puto bumbong. Malagkit. Napaaga ata ang pagningning ng tala sa Bethlehem dahil bakas ang pagpapakahulugan ng tinginan sa kanilang mga matang mapungay. Tinangay na ng mga cherubim ang mga salita at si Kupido na ata ang nagmamando sa mga anghel.

“Nandito ka pala, Ji!”

Umakbay kay Lee Jihoon si Junhui, sinundan nila Mingyu, Hansol, at Seungcheol.

“Ah, oo.”

“Akala namin aabsent ka na today.” ani Mingyu.

Hindi rin nagtagal ay natagpuan na nila Wonwoo si Soonyoung. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ngiti na lamang ang kanilang nabati bago magkanya-kanya matapos buong araw na magkasama.

Ikaw ba naman ay nakawin ang cellphone sa bulsa mo ng mga kaibigan mo ay hindi ka mapapakaripas ng takbo. Kay galing pumutol ng mahiwagang saglit.