Kabanata 4: Dieciocho #SoonHoonSimbangGabiAU


Hinatak ni Mingyu ang dalawa nyang kasama.

“Dumito nga kayo!” pinagalitan ni Mingyu si Hansol at Junhui. Nakayukyok nanaman ang dalawa sa kanilang mga cellphone, ang kanilang pakialam sa paligid nila ay naglalaho kapag nagliliwanag ang screen.

“Langya, ako talaga ang kuya dito.” buntong ni Mingyu.

Kamuntik-mutikan nang masagi ng tricycle ang kanyang mga kaibigan. Ayaw nyang siya ang sumalo ng malutong-lutong na mura ng nagmamaneho. Tungkulin iyan ni Choi Seungcheol.

“No, you're not.” sumulpot sa kanilang likod ang kanilang kuyang tunay. Sandigan nila sa tuwina. Presensya pala ni Seungcheol ang magpapahinto ng kanilang pagtitig sa cellphone.

“Saan ka galing?” tanong ni Jun.

“Wala, namalengke lang ako tas hinanap ko lang kayo.”

“Ah talaga ba? Hindi ka galing kay...” naputol ang sinasabi ni Hansol pagtingin sa harap. “... Jihoon!”

Nakasalubong nila ang kaibigan, mga high-fives at ilang saglit na yakap.

“Nakapambahay ka pero ang layo ata ng pupuntahan mo.” kumento ni Mingyu.

“Ah, eto ba?” Tipikal na kasuotan para kay Jihoon. Payak na t-shirt, shorts, tsinelas at yung cap.

Lumapit si Seungcheol at tinanggal ang face mask na nakasabit sa kanyang tainga. Sinisiko naman ni Mingyu si Jun. Mukhang hindi na titigilan to.

“Tapos na ang pandemya, Ji.”

“Sorry, force of habit.”

“Saan ka pupunta?” tuloy sa pag-inquire ni Hansol.

“Ah, dyan sa may 7/11. Tinamad na ko magluto ng almusal so ayun.”

“Sige, sama ako.” banggit ni Seungcheol.

“Ako rin!” pinangalawahan ni Junhui, na sinundan ng pagtapak ni Seungcheol sa paa ni Junhui.

“Ako rin uuwi na ko.” nagkamot ng ulo si Jun

“Tara na, Cheol?”

Cheol. When Jihoon drop the Filipino honorific, he can't help his heart leaping.

“O sige, una na kami ah?” Nauna nang lumakad si Jihoon.

Jun mouthed what he ought to say. “May utang ka sakin.” at tinanguan naman ito ni Seungcheol.

Bilang mga mamamayan sa urbanisadong lugar, ang 7-11 ay ilang kanto lang ang layo. Isang alternate road bilang bahagi ng Christmas Lane ng MMDA.

“Anong gusto mo, libre ko na?” Pinamimili ng nakababata ng kung anumang nais nya mula sa mga freezer at steamer ng convenience store.

“Yan lang bibilin mo?” Tinuro ni Seungcheol ang isang bote ng Kopiko 78. “Dagdagan mo na, libre kita ngayon.”

“Seryoso ka?” hindi nga makapaniwala si Jihoon. “Kung bilhin ko yung buong laman nitong steamer, papayag ka?”

“Gago ka rin no? Kumuha ka na. Magbabago pa isip ko nyan.” Seungcheol fondly tousled his hair.

Kinuha ni Jihoon ang tongs at ipinaghanda ang sarili nya ng hotdog sandwich. Tumungo na sila sa counter at naging totoo sa salita si Seungcheol.

“Kainin mo na yan, di na yan masarap pag malamig.” A second rate invite to stay and talk for a while. “While” meaning hours, possibly a lifetime because Seungcheol prays it so.

They sat and ate. Seungcheol went for a bola-bola siopao and a regular Mountain Dew.

“Hindi ka ba magkakasakit sa bato, Cheol? Puro softdrinks ah?”

“Wag mo kong isipin, ikaw nga tong nakakailang kape. Tangina buti hindi ka nagpapalpitate.” pagkagat niya sa siopao.

“Actually, I did. Multiple times.”

“Hoy Jihoon, akin na nga yan! Magtigil ka na dyan.” inagaw ni nakakatanda ang kape nya. Pilit namang inaagaw pabalik ni Jihoon.

“Akin na nga yan?!” The moment na nakanguso na si Jihoon, he can't resist. Ibinababa na nya sa mesa ang bote.

“Jihoon, please. Bawasan mo na kape. Alagaan mo rin naman sarili mo, who knows what would happen if you...” nabalik ang tingin ni Jihoon sa kanya. “Sobra-sobra na yung ginagawa mo para makagraduate on time. Give yourself a break din.”

“Thank you, Seungcheol.”

Tahimik na pinaikot ang daliri sa bibig ng bote, hanggang sa nabuksan ang panibagong paksa.

“Bakit wala ka pang girlfriend?”

“Bakit mo naman naitanong yan?” sabay sipsip ng Mountain Dew.

“Wala. I mean ang tagal-tagal na nating magkaibigan pero ni minsan hindi pa kita nakikitang nagjojowa. Swerte nung babaeng mamahalin mo.” Tumitig na lamang sa labas si Jihoon.

Sa isip-isip ni Seungcheol, “Kung alam mo lang.”


Isang impromptu meeting ang pinatawag ni lider Yoon Jeonghan. Sa hapon nilang piniling magkita, kaya nakapagbihis pa si Jihoon.

“Kaya ba today, Jisoo?” tanong ni Jihoon on behalf of the group

“Sorry, had to drop my sister off sa kung saan mang pupuntahan nya.” paliwanag niya.

“Dito talaga?” sabay-sabay nilang tinignan ang karatula.

The Coffee Project.

“Coffee Bean na lang tayo?” mungkahi ni Minghao.

A consensus was reached, followed by Jeonghan giving a ride for Minghao. With Jihoon coming with Jisoo.

Ang hinlalato ni Minghao ay tirik na tirik sa kanilang paglayo sa nasabing shop. Isang mensahe para sa pamilyang nangangasiwa nito. Ang mga nangangamkam ng mga sakahan, at sila'y lubhang napopoot dito.

Makailang minuto ay pumarada na ang mga kotse malapit sa Coffee Bean and Tea Leaf at mula roon ay nilakad na nila. Sila'y pumwesto na at kinuha ni Jisoo ang mga order, bilang siya ang nahuli.

“Any developments, guys?” wala nang patumpik-tumpik.

“I chose to delve into the strength ng Christian faith sa mga tradisyon natin tuwing Pasko, tapos nadamay na rin yung extended family and other Filipino habits such as utang na loob.”

Wow, Xu Minghao, sa isip ni Jihoon.

“Ikaw, Ji?”

He hasn't really had something cohesive written so he'll just wing his answer and work his way around that. And then the memory kicked in.

“Bakit September nagsisimula ang Pasko sa Pilipinas?” sa boses ni Soonyoung niya naalala at ang gunita ay naging salita. Sinang-ayunan naman ito ni Jeonghan.

Salamat kay Kwon Soonyoung at may ihahakbang na siyang una sa pagsusulat.

Walang anupaman ay bitbit na ni Jisoo ang mga kape na nasa reusable bottle.

“Itong meeting na to, kaya naman sa Messenger yan. Napagastos nanaman ako.” daing ni Jisoo.

“Ang sabihin mo, kuripot ka lang.” banat ni Jeonghan at tinawanan naman ng dalawang kasama ang munting bangayan.

They did manage to be productive, but only in the first hour. The next hours, well, that's a story for another time. When the cafe blasted the Mariah Carey classic “All I Want For Christmas Is You”, they told themselves they had to lip-sync for their paper's sake. Parang after-exam lang ang peg ng hang-out.

Oras na para magkanya-kanya. Hinanap na ni Ate Hong si designated driver Jisoo. Apparently, getting drunk in the afternoon is an experience one shouldn't miss out.

Tinahak na ni Jihoon ang mga daan at kalye pabalik ng Baranggay San Antonio. Alas-sais na ng gabi nang marating niya ang kanto nila. Nagkalat ang mga videoke na sari-saring kanta para sa lahat ng edad. Mula sa mga mapanakit ng December Avenue hanggang sa mga piyesa ni Basil Valdez. May ilang waring playlist ni Aunt Julie ang iniiwang tumutunog, para sa mga Christmas Party at reunion na napaaga.

“Ang hilig ng mga Pilipino magdiwang.” natanto niya nang pasukin na nya ang gate ng kanilang bahay.

“O, Jihoon. Kumain ka na ba? Nakasaing na ko, init mo na lang yung ulam.”

“Hindi na, Ma. Pag-uwi ko na lang sa Misa. Busog pa ko.”

“Malamig sa labas, Ji. Magjacket ka.”

Kung kasama nila ang mga matatanda, malamang nasabihan na si Jihoon ng walang galang. Ngunit ayos lamang ito kay Mama Lee, dahil sila na lamang ang magkatuwang at ang pagtanggal sa “po” at “opo” ay hindi nangangahulugan ng kawalang-galang. Bagkus para sa mag-ina natin, isa itong senyales ng malapit na loob sa isa't isa.

Kinuha ni Jihoon ang jacket at nagpalit ng tsinelas bago lumakad. Siya na mismo ang naglock ng kanilang bahay dahil si Mama Lee ang nakatoka na lector ngayong gabi.

Sa kanyang paglakad, kasabay niya ang marami pa from all walks of life, from all ages. Gone are the days na 15-65 years old lang ang maari sa labas.

Nang malapit na si Jihoon sa gate ng simbahan, nahagip ng kanyang paningin ang taong inaasahan niya. Nagmabagal siya upang panoorin.

Ang braso ni Kwon Soonyoung ang kinakapitan ng isang nakakatanda, samantalang ang isa ay nakaalalay sa likuran. Dahan-dahan ng paglakad, bawat hakbang ay sinisigurado na patag ang daang inaapakan. Dinig sa ilang metrong layo ang usapan.

“Hindi mo naman kailangang gawin to, kuya Kwon.” sabi ng apong kasama ng matanda.

“Ano ka ba Lance, miss ko na rin si Ka Nita.”

“Sige na, iho salamat. Malapit naman na tayo, kaya ko na to. Baka sabihin nila ikaw ang apo ko.”

Nangiti si Kwon. Sinalo na ni Lance si Ka Nita at pinagmasdan ang paglakad ng maglola papasok ng simbahan.

Nanatili sa kanyang lugar si Jihoon nang tumalikod si Soonyoung at tawagin siya. The latter approached him.

“Uy, Ji!”

“Hi, Soonyoung.” binati ng isang simpleng ngiti ng mga labi.

“Saan ka galing?”

Tumuloy na sila sa paglakad. Mukhang malayo ang panggagalingan ni Father. Diyes minutos makalipas ang alas-siyete na pero wala pa rin siya.

“Ah, nagpalit lang ako ng tsinelas tapos tumuloy na ko dito. Galing ako sa mga kagrupo ko dun sa paper.”

“Yung sa pasko?”

“Oo. Yun parin.”

“Wala ka pa rin nasusulat?”

Napakamot ng ulo si Jihoon. Bistado. “Salamat pala, Soonyoung.”

Natingin sa kanya. “Bakit naman? Biglaan?”

“Sa'yo kasi nanggaling yung idea na isusulat ko. Yung sa -Ber Months na paskuhan dito sa bansa.”

“Edi dapat i-credit mo ko. Sama mo ko sa citations ah.” saad ng confident na Kwon, napangisi niya si Jihoon. The latter was no longer shocked about Soonyoung knowing the synonym for references.

“Oo nga pala Jihoon, ikaw ba kumanta kahapon?”

“Kulang kasi sa kakanta kagabi kaya hinatak ako ni Mama sa choir loft.”

“Ikaw na lang kaya kumanta sa buong misa? Baka magsakristan na lang ako dahil sa'yo.” biro niya. Half-meant.

“Hindi na, hindi ako pangganon.”

“Bakit naman?”

Lingid sa kaalaman ni Jihoon that his companion is making the most out of their stroll to the church.

“I don't know. Hindi naman talaga ako singer, pero tinuruan ako ni Papa ng konti.”

“Asan na pala ang Papa mo?”

Tahimik. Tumingala si Jihoon sa mga bituin. Malinaw na sagot ang nasabing kilos.

“High school pa lang ako nun.”

“I...I'm sorry for asking.” Soonyoung placed his hand on Jihoon's back and rubbed it. Walang ibang pagpapakahulugan kundi pakikiramay.

“No, it's okay.”

“Kung nasaan man siya...” lumilingap ang tingin ni Soonyoung sa mga bituin na nagniningning, waring mga anghel na nagsisiawitan ng Venite Adoremus. O come let us adore Him.

”... I'm sure he's proud of you.”

“Salamat.”

“Pinalaki niya ang isang responsable at masikap na Lee Jihoon. Kaya sigurado ako masaya siya na nandyan ka para kay Tita Lee.”

“Tita Lee?”

“Nakakausap ko naman nanay mo, Ji. Diba ilang buwan ka din sa dorm.”

“Oh, oo nga pala. So, kilala mo na pala ako?”

“Siguro? Nakukwento ka lang niya sakin saka yung pag-aaral mo. Pero ngayon lang nagkamukha yung 'bunso' niya.”

“Tinatawag pa rin niya kong, bunso?” Jihoon is a bit irked. Hindi nila namalayan na nadala na pala sila ng kanilang mga paa sa puerta ng simbahan.

“Oo...” natatawa ng kaunti si Soonyoung. “... yung ilang moments mula sa childhood mo. Saka yung one time na-” itinuro ng kanyang mata ang natatago ng kanyang pang-ilalim bago bumalik ang tingin kay Jihoon.

“Kwon Soonyoung, manahimik ka na putcha.” nais niyang tapalan ng gift wrapper at masking tape ang bunganga. Subalit ang nagawa nya lamang ay takpan ang kanyang mukha sa kahihiyan at pagkabalisa.

“Don't say bad words, magagalit siya.” Tinuro ni Soonyoung ang malaking krusipho sa altar. “Don't worry, I don't judge you. Iba naman pagkakakilala ko sa'yo.”

“Panong iba?”

“Ano-” lumalakad na ang mga ceriales at umaawit na ng pambungad na awitin ang choir. “Sige na, puntahan ko na mga kaibigan ko.”

Ilang hakbang na ang layo ni Kwon nang matanto ni Jihoon.

Mayroong hindi maipaliwanag sa loob niya na nabubuhay sa tuwing nakakapiling niya ang binata. Nag-uudyok sa kanya upang ngumiti sa mga maliit na bagay na ginagawa ni Soonyoung sa kanya at sa mga nasa paligid niya.

“Soonyoung.”

“Hmm?” tumalikod ang nasabing binata.

“Pwede ka bang pumunta bukas? Para tulungan ako dun sa paper ko about Christmas? I mean kung busy ka okay lang di-”

“Sure. After lunch ako pupunta.” pinigil na ni Kwon ang pagpapaliwanag ni Ji.

“After lunch sounds great.” isang malagkit na tinginan pa ang naganap sa pagitan nila. Sa gitna pa ng rito ng pagsisisi at Kyrie.

Kung di dahil sa timpani at instrumentong tanso na panimula ng Papuri sa Diyos ay hindi matitinag ang titigan. Kung tutuusin ito ang winiwika ng puso ni Soonyoung nang lapitan na niya ang kanyang mga kaibigan.

Papuri sa Diyos, sa kaitasaan.