Kabanata 3: Diecisiete #SoonHoonSimbangGabiAU


“Teka lang, Manong!” pumara si Soonyoung sa isang jeep na di mahulugang karayom.

He stood on the step and firmly grasped the upper frame of the jeepney and one of the metal appendages at the side of its entrance. The drag of air hitting his body is testing every fibre of strength his body still possessed, after a long day's work.

Sasabit si Kwon Soonyoung ngayong gabi, makauwi lang. Makaabot lang sa Simbang Gabi. Ito ang buhay ni Soonyoung. Susuungin ang bawat alon ng buhay, maitawid lang ang mga pangangailangan niya sa araw-araw.

Dama nya ang vibration ng kanyang cellphone. Mayhaps hinahanap na sya ng mga kaibigan nya at piniling antayin na makababa bago basahin.

Bumaba na sya sa kanto at doon na nga nya tinignan ang text message.

“Sunod ka dito sa carinderia ni Mang Andoy, sabi ni Seungkwan. Alam kong di ka pa naghahapunan.” – Wonwoo

Napangiti si Soonyoung. Ang palad niya sa mga kaibigan niyang looking out for one another. Pangalawang pamilya na kung ituring. Sa gulat nya ay mayroong umakbay sa kanya.

“Soonyoung!”

“O, Seokmin! Anong ginagawa mo, wala ka dun sa karinderya?”

“Papunta pa lang ako. Tara, sabay na tayo?”

Lumakad nang una si Kwon Soonyoung, sunod si Seokmin. Kanilang pinagmasdan ang daan-libong budget ng Barangay San Antonio upang palamutian ang bawat kanto ng mga ilaw at parol. Wala nang klase ang mga bata kaya sagad-sagad ang paglalaro hanggang magsimula ang Misa de Gallo.

“Namiss ko to. Last year, puro face mask ang nakasabit sa Christmas Tree.”

Oo. Isang taon mula nang magsimula ang pandemyang gumimbal sa sandaigdigan at kumitil sa ilang milyong tao.

“Ako rin naman. At dapat ganito rin pasko dito sa Pinas last year kung may maayos at konkretong plano. Kung nagtravel ban agad.” tuloy ang pagmuni sa mga hindi na maibabalik.

“Salamat Tatay Di-”

“Gago ka Seokmin.” Aambahan na ni Soonyoung si Lee Seokmin. The latter is weak in the knees, crouched, covering his face. Takot na takot.

“I was just kidding, eto naman di mabiro. I still remember everything. We cried a River, remember?” Seokmin raised his fist clenched firm.

“And we fought back. Kaya nagtino yung bansa.”

“And look where we are now.” Seokmin streched his arms to look at the difference, the improvement in public service.

Sa kanilang paglalakad ay tanaw na nila ang mga mesang nakaayos. At ang mga kaibigan nilang kumakaway. Nilapitan na nilang dalawa ang kanilang nga kaibigan.

“Para kayong mga tanga.” ani Lee Chan. Walang preno. Mahinang dinagukan ni Wonwoo, just because he's more collected doesn't mean he won't retaliate.

“Okay lang yun Won. Eto kasing si Seokmin babanat ng very bad joke.”

“Usapang DDS nanaman ba yan? Akala ko ba iiwan na natin yan last year.” paglinaw ni Seungkwan.

“Yeah I know. Ang sarap lang biruin ni Kwon paminsan-minsan. Agit na agit talaga to pagdating don.”

“Hindi ka ba naman magagalit sa dinami-daming inosenteng nadadamay sa mga walang kwentang gyera na walang pinatutunguhan?”

“O sya, mamili ka na daw. Pakain ni Seungkwan dahil dumating na ang 13th month nya.” anyaya ni Wonwoo.

“Salamat, Seungkwan!” sabay nilang pasalamat. Nauna na si Soonyoung.

“Mang Andoy, isang order ng mechado saka daawang kanin.”

“Sige 'nak. Padala ko na lang dyan sa mesa nyo.”

“Salamat po!”

Bumalil si Kwon sa kanilang pwesto. Pinagbukas na siya ni Seokmin ng isang bote ng Sprite. Palibhasa uhaw mula sa biyahe, dahil napangalahati na nya ang laman.

“Huy, baka mabusog ka na nyan.” babala ni Seungkwan.

Ibinaba ng isang tauhan sa karinderya ang kanyang order, at kumuha na sya ng kubyertos. Ito na ang pamilya nya ngayon dahil ulilang lubos na si Soonyoung.

His parents died during a storm when the only words he could mutter was only “Mama” and “Papa”. Soonyoung's relatives took it to themselves to raise Soonyoung, and they raised him like their own son. However, out of his hiya, he thanked them for their care throughout the years that he yearned for affection only parents could give him and decided to live separately. His relatives took it with a heavy heart at first, but knowing that they raised a fighter, their hearts were eased.

“Dadalaw ka dito ah? Mamimiss ka namin.”

“Mamimiss ko rin kayo. Maraming maraming salamat sa lahat.” paalam nya bago gumawa ng isang buhay para sa sarili nya.

Noong una, mahirap mag-sarili. Ngunit nang makilala nya si Wonwoo at ang mga kapitbahay nya dito sa Barangay San Antonio, napalagay ang loob nya. Living alone isn't lonely anymore, not with the not-so-quiet presence of Seungkwan, Chan, Seokmin and their collective voice of reason Wonwoo.

“Iuuwi mo ba pa yang bag mo, Kwon?” tanong ni Chan. Tapos na ang pa-hapunan ni Seungkwan. Mga tiyan nila'y hinihimas-himas, di makahinga sa kabusugan.

“Noche Buena season 1” ika nga ni Seokmin.

“Hindi na, anong oras na oh.” tinignan na nya ang relos. May kalahating oras pa pero upang magpababa ng kinain. Bumalik si Seungkwan sa mesa nila matapos bayaran lahat ng kanilang kinain at ininom.

“Ano, tara na?” aya ni Boo Seungkwan.

Tumayo na rin sila. Wala nang ipag-aalala si Mang Andoy dahil sininop ng nakatatandang Soonyoung at Wonwoo ang kanilang pinagkainan.

Lumakad silang magkakasabay, papunta ng simbahan.

“Kilala mo si Jihoon?” tinanong nya yung pinakabata sa kanila.

“Oo. Ka-edad mo. Oo mas matangkad ka pero grabe yung talino ni Jihoon.”

“Yun ang kwento dito. Literal na bahay-aral kahit nung high school pa lang daw.” dagdag ni Seokmin.

Wonwoo had something to contribute too. “Class valedictorian namin ata yan nung elementary. Hanga nga ko kasi he still has it in him, kahit ang typical na nangyayari, sa Elem lang magaling tapos pagdating ng High School, wala nang honors. Or may honor pa rin sa high school tapos sa college, nabubuhay sa singko at midyear classes.”

“Ouch.” was all Soonyoung reacted. Seungkwan can't help overhearing the gossiping on that one man.

“Kwon, crush mo ba si Jihoon?”

“Yung crush mo, yung si Hansol oh? Papunta rin?” pagdistract ni Soonyoung, nagturo sa malayo.

“Haha very funny. Hindi mo parin sinagot tanong ko, Soonyoung.” hindi kumbinsido si Seungkwan.

“Sagutin mo na yung tanong, wala namang mawawala.”

“Pati ikaw, Wonwoo?”

“Crush mo ba sya? Oo o hindi lang naman isasagot mo. Hindi naman to essay.” Chan giving his best shot in getting that answer from his kuya.

“Uhhh, cute sya pag ngumiti.” sagot nya.

“Paligoy-ligoy talaga. Oo o hindi?” inulit ni Seokmin.

“Hindi. Cute sya pero hindi ko sya crush.”

Pa. Soonyoung's mind omitted the last word, implying a possibility that would elicit a lot of squeals, especially from Seokmin. But the thought keeps the smile on his face. The memory of Jihoon finding his “Milo-drinking arse for breakfast” cute, same with how he has the same childish enthusiasm when joining kids with their Christmas caroling. The intellectual conversations that they did yesterday, although he can strike similar topics with his friends, there's something different about it that left the impression.

Kamay ni Wonwoo ang gigising sa kanyang diwa matapos matigil ang paglakad. Si Wonwoo na lang ang nasa harapan nya. Sa sobrang excited nung tatlo, naiwan nanaman sila.

“Anong nangyari sa'yo, Soonyoung?”

Naghahanap si Soonyoung ng sagot nang makita niya sa tabing-daan ang kariton ng tindera ng bibingka at puto bumbong, isang indikasyon ng Kapaskuhan.

“Wala, natakam ako sa bibingka.” Lumapit si Soonyoung sa tindahan. “Ate dalawang bibingka po.”

“Kakakain lang natin ah?”

“Pagkauwi natin saka ko kakainin.” pagdadahilan pa nya.

“At dalawa? Susundin mo talaga payo ng Ben & Ben ano?”

Bil'han mo siya ng bibingka. Dahil ikaw na ang aking tadhana.

Hindi na nya malusutan ang skepticism at wit ni Wonwoo, so he just shuts up.

“Soonyoung, edukadong tao si Jihoon.”

“So? Anong problema kung hindi ako nagcollege? Produktibong parte pa rin ako ng lipunan.” napatingin si Soonyoung.

“Alam ba nya kung bakit?”

Natahimik ang Kwon. Ang mga salitang bumubuo ng ingay na nakakarindi, nagbabalik. Akala nya'y natakasan na nya ang nakalipas. Hindi pa. Ang simoy ay lumalamig at ang hininga nya'y bumibilis. Kanyang dinakot ang mga hibla ng buhok niya, utak nya'y sinusubukang ibalik ang kontrol sa katawan nito. Magulo na ang paligid. Ang alam nya, pinaupo siya ni Seokmin sa halamanan sa gilid ng daan at mahigpit ang kapit ni Wonwoo sa kanyang kamay. Si Chan ay hinahagod ang likod. Nagtungo ang lahat ng kanyang ikalawang pamilya.

“Inhale 1, 2, 3, 4...” paalala ni Seungkwan.

Sa tulong ng mga kaibigan nya ay unti-unting nanumbalik ang normal.

“Eto, inom ka muna ng tubig.” inabutan sya ng tubig.

“Ayos ka na? Wag ka na muna tumuloy, Soonyoung.”

“Hindi, Chan. Ayos lang ako. Tara na. Malapit na magsimula yung misa.”

Tumayo na si Soonyoung at lumakad, bitbit ang dalawang plastic bag ng bibingka. Si Seokmin at Chan ay nakaalalay. Si Seungkwan ay pinagagalitan ang Wonwoo.

Pumasok na sila ng simbahan. Wala nang uupuan kaya tumayo na lamang sila sa gilid. Lilingap-lingap ng tingin si Kwon Soonyoung; hinahanap ang pagbibigyan ng bibingka, ayon sa awit ng Ben & Ben. Ngunit di nya matagpuan ang binata. At nagsisimula na ang misa. Mabilis ang daloy dahil hindi na inawit ang Papuri at Panginoon Maawa Ka. Nagtuloy agad sa mga pagbasa at salmong tugunan.

Tahimik ang kalungkutan ni Soonyoung ngunit pinawi ito ng yakap mula sa likod.

“Sorry, Soonyoung.”

“Wag mong sisihin yung sarili mo, Won.”

“Hindi mo sya mahanap?”

Isang buntung hininga ang sagot.

“Makinig ka na lang sa Misa.” Tapik ni Wonwoo sa balikat nya. Kaso tapos na ang sermon ng pari. Nasa rito na sila ng pag-aalay.

Itinuon na ni Soonyoung ang atensyon sa taimtim na panalangin. Isang kahali-halinang tinig ang kumakanta ng Offertory Song na maririnig lang tuwing Pasko ng Pagsilang. Dito, hindi siya sinasabayan ng koro.

/Alay namin, sa iyong pagdating Kabutihan, pag-asa't mga pusong tapat Samo namin ay iyong dinggin Galak at kapayapaan, nawa ay kamtin/

Sa tainga ni Soonyoung ay pamilyar ang naririnig nya.

Could it be?

Tiningala nya ang lugar ng choir. Naroroon ang piyanista at ang koro. Ngunit ang pumukaw ng atensyon nya ay ang soloista. Ang pagbibigyan ng bibingka.

Lee Jihoon.

Nalantad muli ang ngiting nagliliwanag. Habang inihahandog ang mga kailangan sa Banal na Komunyon, tinig ni Jihoon ang pumupuno sa kabanalan ng oras na iyon.

/Itong alak at tinapay, mga bungang alay Halo ng pawis at biyaya ng langit Sa aming pag-ibig sa kapwa't kapatid Bubunga ng buhay, na Iyong bigay/

Gaya ng winikang ikaanim ni Jesus, naganap na para kay Kwon Soonyoung.

Ito na ang sagot sa tanong ng kanyang mga kaibigan. Ang bawat pag-alaala niya sa naging pag-uusap kagabi, sa mga inasal ni Jihoon sa kanya at ang angking rikit ni Jihoon na hindi niya malimot.

Labi na lamang ang sumasabay sa mga awitin, dahil pinili nyang pakinggan ang boses ni Jihoon, ihiwalay ang nasabing boses kapag buong koro na ang umaawit.

Oo, kasama na siya sa mga panalangin ni Soonyoung.

Dahil gusto na nya si Jihoon.

At hindi maitago ng kanyang mukha ang ligayang dulot ng pagkaunawa nya.

Amen.