Kabanata 2 – Dieciséis #SoonHoonSimbangGabiAU


“Huy, bakit sobra ka naman kung ngumiti?” pinansin ni Mingyu si Seungcheol na abot-kalawakan na ang ngiti. Nagkatipon nanaman sila sa tindahan ni Aling Judit.

Sinilip ni Junhui ang cellphone. “Ah, kaya pala.”

“Bakit?” naki-isyoso na rin si Hansol habang nakasubo ang straw ng kanyang Sprite na nasa bote na nadadampi sa pisngi ni Seungcheol.

“Hansol, malamig!”

“Remind mo nga ko ulit bakit gusto mo nasa bote yung softdrinks?” wari ni Mingyu.

“Mas masarap talaga kasi pag sa bote kaysa sa plastic. Tigilan nyo nga preferences ko at mabalik tayo kay Cheol.”

“Pretend na lang tayo na di natin alam na crush niya si Jihoon.”

“Anong crush?”

“Oh, Jihoon anong ginagawa mo dito sa tindahan?”

Napalingon si Choi Seungcheol.

“Jun, tangina mo.” pagbalik ng masamang tingin kay Junhui. Pero kakikitaan mo ng kaunting pamumula ang mga pisngi ni Seungcheol.

“Kailan pa, kuya?” tanong ni Hansol.

“Matagal na yan, nung mga bata pa lang tayo.” pagbisto ni Mingyu.

Oo, they've been the best of friends mula pagkabata. Magkumare ang mga nanay nila, so might as well maging magkalaro ang kanilang mga anak. Nagtagal ito hanggang sa high school. Oo, lilima lang sila sa kanilang circle of friends, pero only Seungcheol can get the message through to Jihoon.

Kilalang kilala na ni Seungcheol si Jihoon. Ulo hanggang paa, Loob hanggang labas.

Mula noong third year, unti-unti nang natanto ni Seungcheol ang lihim na paggiliw niya sa bestfriend nya.

Napabalik na ang tatlo sa kanilang pwesto.

“Uy, Jihoon!”

“Pati ba naman ikaw, Hansol?”

Tama naman si Hansol. Papunta nga sa tindahan si Jihoon. Ayaw pa ring maniwala ni Seungcheol hanggang nakatindig na si Jihoon sa harap niya. Naka t-shirt at shorts.

“Pagbilhan nga po, dalawang Pancit Canton. Isang calamansi, isang chilimansi.”

“Ji, maupo ka muna.” umusod sina Seungcheol at Hansol. May lugar na sa gitna nilang dalawa at doon naupo ang kanilang kaibigan.

“Almusal o tanghalian?”

“Parehas, Gyu.”

“Halata nga sa mga muta mo.” siya namang pagtanggal niya gamit ang mga buto ng kanyang daliri. Inayos na rin niya ang buhok nya.

Umakbay na si Seungcheol.

“Ji, teka.” Tumingin si Jihoon sa kanya. Gamit ang kanyang daliri ay kinuha ang isang hibla ng pilik mata na nasa bandang pisngi niya.

“Wala ka namang gagawin, diba?” tanong ni Jun.

“Meron, yun paring paper namin about sa Pasko.”

“Ji, payong kaibigan. Allow yourself to take a break. Ilang taon ka nang ganyan. Puro aral.” tuloy ni Jun.

“Hindi ko afford magpahinga. I have to make this work. Kami na lang ni Mama ang magkasama dito.” kinuha na nya ang dalawang pack ng Pancit Canton.

“We get it, Ji. We do. However pagbigyan mo naman yung sariling mong sumaya, magmahal.” dagdag ni Hansol.

“Ang tanong, meron ba?” kailangang ilipat na ang usapan. Mga bagay na ganyan ay dapat sinasamahan ng alak, alak at maraming alak.

“Meron yan, Ji. You don't have to look that far.” suhestiyon ni Mingyu sabay tingin kay Seungcheol. The latter clenching his fist, akmang mananakot sa former.

“Tignan ko na lang kung makakasunod ako mamaya. Una na ko.”

Tumayo na sa pagkakaupo si Jihoon.

“Sige na, Ji. Enjoy your brunch!” Seungcheol greeted.

Jihoon walked back to his place of comfort. Of warmth.

“Nak, may tumatawag sa'yo sa Messenger. Di ko muna sinasagot.”

Ah, baka yung group call nila. Binunot na nya ang charger at sumali sa video call nila sa Messenger.

Minghao: Huy, Ji! Woke up like this? Jihoon: Walang excuses. /Nangisi/ Jeonghan: Now na complete na tayo, any updates? Jisoo: Yung kapitalismong nagta-thrive tuwing Holiday season, does that count? Minghao: Fuck capitalism, am I right? Jeonghan: Hear, hear. Ikaw, Jihoon? Jihoon: I think I have to continue attending sa Simbang Gabi. Sobrang tied sa Catholic context ng Pasko yung Pilipinas at mga tradisyon nito during Christmas, unlike other countries. How does it stil persist, I still have to answer. Jisoo: You already had a thought after one night sa simbahan? Sana all. Minghao: Baka magka-impromptu exorcism pag pumasok ka, Hong. Jeonghan: Okay, stop with the bickering now. Glad that we have ideas. Pero we still have to structure our paper well so sana makapagkita tayo soon. Jihoon: Kung magseset kayo, G lang ako. Jisoo: Same. Minghao: Ang tanong, sisipagin kaya yung leader natin?

Pagtawa nilang lahat. Where's the lie?

Jeonghan: Alam mo ikaw, Minghao. Anyways keep up the good work and Merry Christmas daw sabi ni Mam Domingo.

Isa-isa na nilang binaba ang video call.

Binuksan nya ang laptop. Doon tumambad sa screen ang blangkong document. The cursor blinking at the first line ticks him off, kinukutya ang nagawa niyang wala.

He grunts, hoping may mahukay na salita upang masimulan ang project nila.


“Kwon, okay ka lang?”

Tanong ni Seokmin na nababahala ng wala sa oras.

“Okay lang ako, Seok. Thank you.”

Magpahanggang sa pagtungo sa kapilya ay kailangang sabay pa rin sila. Nauunang maglakad sina Seungkwan at Chan, sinusundan ni Wonwoo ang dalawa at baka magbangayan pa ng di oras; habang si Seokmin ay sinabayan sa paglakad si Soonyoung.

Biglang tumalikod si Chan. Magpapasinaya ng usapang ang paksa ay si Kwon Soonyoung.

“So, kayo na ni Jihoon?”

Naulinigan ni Seungkwan at sumali na rin sa usapan. “Alam mo Lee Chan, wala sa dugo nyan ang lumantod.”

“Gago, hindi ganun yon.” tanggi ng nasabing simuno.

“Binalik lang yung jacket na naiwan ko sa loob kahapon. Walang malisya.”

Ayaw tanggapin ni Chan ang sagot. “Dyan nagsimula yung lolo't lola ko. Sa 'walang malisya' .”

“Chan, yung humps!” babala ni Wonwoo.

Sa paglalakad ng paatras ay napaupo si Chan. Pasalamat sa gomang humps na sumalo ng puwit nya.

Lumapit si Kwon at inabot ang kamay upang tulungang tumayo ang pinakabata nilang kaibigan. Time for a truce dahil dinig na ang mga awiting pamasko ng koro.

Ngunit hindi mapalagay si Wonwoo kaya tinignan nyang muli ang kanyang bestfriend. Oo nakangiti ito ngunit may panlalata sa tinig. Marahil, pagod ito sa kanyang trabaho.

“Mauna na kayo, Seok. May itatanong lang ako kay Soonyoung.”

Um-oo naman si Lee Seokmin at lumakad na silang tatlo. “Bantayan mo yang dalawang yan!” habiling pahabol.

Nang makalayo ay piniling maupo ni Wonwoo sa tabi ng tindahang sumusulpot tuwing Nobyembre hanggang sa Bagong Taon.

“Bakit, Won. May problema ba?”

“Isang salabat nga po. Saka Tiger Biscuit.” pakiusap ni Wonwoo sa tindera. Kumuha na siya ng isang pakete habang nagsasalin sa isang baso ang tindera. Inabot niya kay Wonwoo at binayaran naman nya. Matapos bayaran ay binigay nya ang mga biniling minandal kay Soonyoung.

“Para saan to, Won?” kanyang pagtataka.

“Kwon, alam kong namumutla ka. Pwede ka namang hindi sumama ngayon kung hirap ka. Maiintindihan ni Lord yun.”

“Okay lang ako, Won. Galing lang akong trabaho. Christmas Rush kaya ganon na lang yung tambak ng gawain. Besides, pangako kong kukumpletuhin ko to this year.”

“If that's the case, kainin mo na muna yan. Baka agawin mo kay Monsignor yung grail nya mamaya sa gutom.”

Tinulak na marahan ni Soonyoung si Wonwoo. “Gago ka talaga, Won.” Isang ngisi bago nagpasalamat, nangakong babayaran.

Tinapik naman ni Wonwoo ang balikat nya. “Wag mo nang bayaran, Soonyoung. Okay lang. Inumin mo na yan at baka lumamig na yung salabat. Sunod ka na lang sa loob ha?” Lumakad na papuntang kapilya si Wonwoo

Soonyoung sipped the hot concoction. “Oo, ba. Salamat dito, Won.” Binuksan na nya yung biskwit at kumain ng isang piraso.

Nagkalaman din ang tiyan ni Soonyoung. Pinanood nya ang mga batang may angking kulit habang pinapatahimik nila ang kapwa bata nila. Mula sa malayo, dinig ang mabilis na yabag ng mga paa. Tumatakbo sa direksyon ng tindahan.

“Ale, isang kape nga ho.” hinahabol ang hininga.

“Nagmamadali ka ata.” banggit ni Soonyoung.

“Akala ko late na ko. Makakapagkape pa pala ako.”

Tinignan nya ang kanyang kausap.

“Soonyoung, right?”

“Akala ko di mo ko kilala, Jihoon.” They both remembered.

“Pfft.” He shrugged. “Pwede ba?” his eyes pointed at the long cemented stack of hollow blocks built to beautify the road with plants. Soonyoung responds with a quick nod.

“Salabat?” tanong niya.

“Hindi ako nagkakape.”

“Ano? Anong inaalmusal mo, Milo?”

Napatingin si Soonyoung sa kanya. “Bakit, may problema ka don?”

“Wala.” Jihoon huffed a sigh just north of laughter. “It's... it's cute.” This brings the other to smile as well.

They both look at the kids who bask in the joyous spirit of the season. Running. Chasing one another. The excitement of Christmas running in their veins.

“Nakakamiss maging bata no? Yung mga panahong we make the most out of the Holidays?”

“Actually...” Lee Jihoon sips his cup of Joe. “... ang miss ko talaga yung Aguinaldo.”

“Diba?! Now that we're adults, kailangan nating kumayod.”

“We grew up and suddenly, limot na natin yung diwa ng Pasko.” he concluded.

“But it doesn't have to be that way.” With his thumb, he rubbed the plastic container, sensing the heat escaping to the cold environment of Hanging Amihan.

“Kaya ba sumama ka dun sa mga bata kagabi?”

Soonyoung stood up in his shock. “Paano mo nalaman yun?”

“Wala, I just recognized your voice. Sapaw ka, Soonyoung.”

“Hoy, grabe ka sakin Jihoon.”

Naupong muli si Kwon Soonyoung.

“Pero, going back, nasa atin if we want to withdraw from the same wonder at happiness natin tuwing Pasko.”

“Yeah, I get it. Pero the moment na hawak ka na sa leeg ng kapitalismo, it's hard to go back.” Napaubos si Jihoon ng kanyang inumin.

“Aren't we all? Christmas or not, pare-pareho tayong alipin ng mga naghaharing-uri. Punyeta.” Siya ring nilagok ang salabat.

Naghaharing-uri? Well that's a word Jihoon doesn't hear often dito sa baranggay.

“I'm writing this paper. Isang group paper about sa Pasko dito sa bansa. And I'm struggling to find a great starting point.”

“Yung mga sinabi natin kanina...”

“May naka-una na nun.”

“Hmmm. I see something. Bakit September nagsisimula ang Pasko natin? What makes the Filipino Christmas experience unique? Why is it so? Gusto ko ring malaman ang sagot sa mga tanong na yan.”

Wow. There's more to him than meets the eye, he thought.

“Soonyoung.”

“Hm?”

“Natabig mo yung biscuit mo.” Kwon Soonyoung may have gotten carried away.

Akmang pupulutin na ni Jihoon nang gawin din ito ni Soonyoung.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila huminto ang oras sa pagtatagpo ng kanilang mga mata. Kung may ibig bang ipakahulugan ang nasabing tinginan ay sila lamang ay may alam.

“Jihoon! Tara na!” isang tinig ang tumawag. Hinayaan na ni Jihoon na si Soonyoung ang pumulot.

“It was nice talking with you.”

“Ako rin.”

“See you around, Soonyoung.” isang ngiti bago tumalikod at tumakbo papalapit kay Seungcheol. Tumayo na rin sya at pinanood muna ang paglayo ng kaibigang nakahuntahan bago lumakad.

“Yeah, see you around.”